Information education campaign sa waste segregation pinalalakas sa City Hall employees

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

Pinalalakas ngayon ng City Environment and Natural Resources ang information education campaign nito sa tamang pangangasiwa ng basura partikular sa waste segregation sa mga opisina ng city government at sa mga palengke bilang paghahanda sa paglulunsad ng “ Basura ko Responsibilidad ko”.

Layunin ng kampanyang ito na manguna ang mga empleyado ng pamahalaan sa tamang pangangasiwa ng basura tungo sa ibayong pagpapatupad nito sa lungsod. Ayon sa City ENRO, patuloy na dumadami ang basura sa lungsod kung saan ito ngayon ay umaabot sa 80 tonelada bawat araw. Kailangan ding palakasin ang plastic ban alinsunod sa Batangas City Environment Code sapagkat dumarami na rin ang mga lumalabag dito. Sa 2nd quarterly meeting ng City Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong June 27, sinabi rin ni City Engineer Adela Hernandez na punong puno lagi ng basura ang mga drainage at canal na regular nilang nililinis upang huwag magdulot ng baha.

Binibisita ng mga itinalagang personnel ng City ENRO at piling lecturers ang bawat opisina ngayon ng city government at ang mga tindahan sa palengke upang talakayin dito ang mga environmental laws, ang mga kaparushan sa mga lalabag at ang paghihiwalay ng basura sa nabubulok at hindi nabubulok.

Kaugnay ng kampanya ay magtalaga ang City ENRO at General Services Department (GSD) ng pick up point, biodegradable composting site at Material Recovery Facilities (MRFs) sa City Hall at palengke.

Pagkatapos ng IEC sa lahat ng opisina at palengke, ay pormal ng ilulunsad ng City ENRO ang “Basura ko Responsibildad Ko, at pagkaraan ng isang linggo, ito ay mahigpit ng ipatutupad. Magkakaroon ng regular monitoring sa mga opsina at palengke at may kaukulang multa sa mga mahuhuling may paglabag.(PIO Batangas City)