National Resilience Month ngayong Hulyo ipinagdiriwang

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Ipinagdiriwang ngayong Hulyo ang National Resilience Month kung kayat nagkaroon ng isang motorcade sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Council kaninang umaga simula 7:30 upang magkaroon ng public awareness sa kahalagahan ng paghahanda sa kalamidad.

Ang motorcade na nagsimula sa Batangas City Sports Coliseum ay nilahukan ng mga kinatawan ng Batangas City PNP, Philippine Coast Guard, DEpEd, Batangas Emergency Rescue Team, Philippine National Red Cross Batangas Chapter, St Patrick at Jesus of Nazareth Hospitals, Meralco, mga departamento ng pamahalaang lungsod, non-government organizations at iba pang partners sa private sector.

Ayon kay John Philip Serrano, LDRRM officer II, Research and Planning Section chief, ilan sa mga nakalinyang gawain ng kanilang opisina sa pagdiriwang na ito ay ang pagbibigay ng seminar at training sa mga barangay tulad ng family disaster management at disaster response management, coastal clean up, at pagkakaroon ng earthquake, tsunami at flood drill sa mga paaralan at barangay. Magkakaroon din ng updating ng mga contingency plans para sa mga identified emergency hazards. (PIO Batangas City)