24 PARES IKINASAL SA BAYSANANG BAYAN 2018

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Wala ng mahihiling pa ang 24 pares na ikinasal ni Mayor Beverley Rose Dimacuha sa Baysanang Bayan 2018 na ginanap sa Batangas City Convention Center ngayong June 28 sapagkat lahat ng kailangan upang maisakatuparan ang pagiging legal ng kanilang pagsasama ay ipinagkaloob na sa kanila ng pamahalaang lungsod.

Ang lahat ng requirements para sa kasal ay naihanda na ng Civil Registrar’s Office (CRO) kasama ang seminar ng City Social Welfare and Development Office at ng City POPCOM at lahat ay libre.

Maganda ang dekorasyon ng lugar at may red carpet pa. May simpleng salo-salo na may kasamang litson. . May tradisyonal na seremonya ng subuan ng kalamay sa paniniwalang magiging matamis ang pagsasama ng mag-asawa, pag toast ng alak at subuan ng cupcake. Inawitan din sila ng ilang mga city government employees.

May wedding booth kung saan nagpalitrato ang mga ikinasal kasama sina Mayor Dimacuha at Congressman Marvey Mariño.

Malaking benepisyo ng mass wedding na ito ang libreng legitimation ng kanilang mga anak. May 47 bata ang magiging legitimate kung ang mga ito ay kwalipikado.

Bago ang kasal, pinayuhan ng Mayor ang mga mag-asawa na maging matatag sa anumang mga pagsubok na darating sa kanilang buhay at panindigan na magsama ng habambuhay. “Separation is not an option,” sabi niya.

“Para sa akin, ang pinakamagandang maipamamana ng mga magulang sa kanilang mga anak ay ang pagkakaroon ng buo, nagmamahalan at may respetong pamilya,” binigyang diin ni Mayor Beverley.

Isa pang advice niya na ipagpatuloy ang tamis ng relasyon at maglaan ng oras para sa isa’t isa. Ang pinakamatandang bride ay edad 64 habang ang pinakabata ay 18.

Ang pinakamatandang groom ay 64 habang ang pinakabata naman ay 21.

Kabilang sa mga ikanasal sina Benjamin Pulong at Edna Maranan ng Sta. Rita na may 27 taon nang nagsasama kayat lubos ang pasasalamat sa Baysanang Bayan.

Dumalo sa okasyong ito na pinangasiwaan ng CRO at ng Cultural Affairs Committee ang ilang mga city councilors, mga kinatawan mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) at Provincial Statistics Office (PSO).(PIO Batangas City)