SM City Batangas, 1st place sa Sublian Float Parade 2018

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

Tinanghal na Best Float ang entry ng SM City Batangas sa taunang float competition ng pamahalaang lungsod ng Batangas kaugnay ng pagdiriwang ng Batangas City Day nitong July 23.

Ang kanilang float ay may disensyo ng basilica at city hall na napapalibutan ng bulaklak at nakita ng mga judges na pinaka akma sa tema ng kompetisiyon na “Sublian Festival: Ipagdiwang Lungsod ng Batangas”. Tumanggap ang SM ng trophy at cash prize na P200,000.

Ikalawang gantimpala ang float ng Malampaya at third prize naman ang Saint Patrick’s Hospital and Medical Center (SPHMC).

Labing anim na floats ang lumahok kung saan sila ay nag pagalingan sa artistic creativity gamit ang mga indigenous materials at mga naggagandahang bulaklak.

Nagsilbing mga hurado sa Sublian Float Parade sina Josie Guillen, Barge Ramos, Elizabeth Norma Baldovino, Chinggay Bernardo, Lordinio Vergara, Gener Caringal at Dr Raffy Lopez.

Tampok din ang karosa ni Ms Batangas City Foundation Day 2018 Bb. Mary Angeline De Loyola Portugal at ang kanyang konsorte.

Nauna rito ay ipinakilala siya sa publiko pagkatapos ng Misa Pasasalamat sa Basilica of the Immaculate Conception.

Dahilan sa patuloy na pag-ulan, kanselado ang pang umagang gawain sa labas kagaya ng arrival of honors para kay Mayor Beverley Rose Dimacuha at Congressman Marvey Marino, flag raising at floral offering sa Plaza Mabini at street dancing.(PIO Batangas City)