City ENRO at City Budget naging kampeon sa court dancing

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 28.jpg 29.jpg 3.jpg 30.jpg 31.jpg 32.jpg 33.jpg 34.jpg 35.jpg 36.jpg 37.jpg 38.jpg 39.jpg 4.jpg 40.jpg 41.jpg 42.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Sa ikalawang magkasunod na taon, muling naging kampeon ang City Environment and Natural Resources Office (ENRO) sa court dancing competition-city government category at sa pagkakataong ito, kasama nila ang City Budget Office sa tagumpay na ito. Ang patimpalak na ito ng pamahalaang lungsod ay bahagi ng pagdiriwang ng foundation anniversary ng Batangas City noong July 23 sa Sports Center.

Sa tema ng kompetisyon na Isayaw, Isigaw Batangas Lungsod Kong Mahal, nagpatalbugan ang mga kalahok sa kanilang concept, makukulay na costumes at performance.

Ayon sa Chairman ng Board of Judges na si Gener Caringal, Artistic Director ng UE, unanimous ang kanilang naging desisyon sa pagpili ng mga nagwagi. Ayon sa kanya, napili nila ang City ENRO dahil sa costume, production-wise at choreography.Puno rin aniya ng energy ang kanilang performance. Kaya naman nakuha nila ang premyong P50,000 at trophy bilang kampeon.

Binati ni Caringal ang pamahalaang lungsod na tanging local government unit na may ganitong klaseng patimpalak. “This contest is within the complex of the city government and the employees were given the chance to showcase their talents while working.” Naiiba din aniya ito sa ibang court dance dahil sa ginamit na medium. Mayroon itong variation subalit hindi nawala ang tradisyon ng subli.

Nanalo ng 2nd place ang City Accounting Office na nagkamit ng trophy at P25, 000 habang 3rd prize winner naman ang General Services Department (GSD) na nag-uwi ng trophy at P 15,000 na premyo.

Nagwagi ng unang pwesto sa Community Division ang Batangas Province High School for Culture and the Arts at ang mga mag-aaral naman ng Batangas City East Elementary School sa Schools Division.

Naging batayan sa pagpili ng mga nagwagi ang choreography and synchronization, relevance to the theme, music, costume and props at over-all impact. (PIO Batangas City)