Bata at matanda nagpagalingan sa Sublian

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 28.jpg 29.jpg 3.jpg 30.jpg 31.jpg 32.jpg 33.jpg 34.jpg 35.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Apat na paaralan sa elementary category, walo sa junior high/senior high/college level at labing-isang grupo sa community category ang lumahok sa Sublian competition sa pagdiriwang ng Batangas City Day nitong July 23.

Nagpagalingan ang mga bata at matanda sa pagsayaw ng tatlong version ng subli mula sa Talumpok, Batangas City, bayan ng Bauan at bayan ng Agoncillo.

Ayon kay Elena Miraño, Judges and Chairman of the Board ng nasabing patimpalak tunay nga nakamamangha ang mga batangueno dahil sa galing at pagmamahal at pag sasabuhay ng sayaw na subli, aniya marami na siya napuntahang lugar sabalit tangi ang batangas city ang nagpapatuloy ng kulturang ito. Ayon pa rin sa kanya natutuwa siya dahil marami ang nagpapahalaga sa sinauna sayaw na ito, “kaya binabati ko ang Batangas City dahil sa tagumpay ng Sublian Festival na patuloy na kinikilala ng National Commission for Culture and the Arts at iba pang cultural organizations”.

Ang mga nanalo ay ang mga sumusunod: Elementary- 1st place,Saint Bridget College, Batangas City; 2nd ang Kalasti (Sinala Elem. School) at 3rd ang SBCA PAO Siklab; Junior high/senior high at college level- 1st, Batangas State University (Diwayanis Dance Theatre), 2nd, Batangas National High School at 3rd ang Marian Learning Center & Science High School; Community level, champion ang BSU Diwayanis Dance Theatre, 2nd ang Diwayanis Alumni at 3rd ang Sta Teresa College Community Group. (PIO Batangas City)