TINGNI: Nagsagawa ng World Café of Opportunities (WCO) ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: Nagsagawa ng World Café of Opportunities (WCO) ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang 29th Anniversary at National Technical Vocational Day, August 25.

Ayon kay TESDA Regional Training Administrator Domingo Librea, ang WCO ay isa sa kanilang mga job-bridging activities kung saan ang mga graduates at alumni ng TechVoc ay may pagkakataong maikonekta sa pribadong sektor, mga ahensya at mga employers na naghahanap nga mga skilled workers.

“Hindi lamang nakatuon ang TESDA sa pagbibigay ng kasanayan sa mga iskolar nito, hangad din namin na pagkatapos ng training ay magkaroon sila ng trabaho,” sabi ni L:ibrea.

Ang WCO ay nagsilbing ‘one-stop shop’ sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno, pribadong mga kompanya, tech-voc institutions at financing institutions upang magdaos ng job fair para sa mga iaalok na mga trabaho, trainings at financing opportunities at maayos na job-skill matching sa mga TVET graduates at iba pang gustong mag-avail sa nasabing mga serbisyo.

Nakiisa din dito ang ilang ahensya ng gobyerno upang ilaan ang kanilang mga serbisyo tulad ng pagkuha ng mga government ID at pagpapa-rehistro ng membership sa kanilang ahensya na kakailanganin sa pag-aapply ng trabaho ng mga job seekers.

Kasabay ng naturang gawain ay ang enrolment para sa mga nagnanais na maging scholar sa iba’t ibang pagsasanay na ipinagkakaloob ng TESDA.
Naging katuwang ng nabanggit na tanggapan ang Department of Labor and Employment (DOLE), Social Security System (SSS), PhilHealth, PAGIBIG, NBI, BIR, DTI at ang mga Technical Vocational Institutes o (TVIs) sa pagsasagawa ng WCO. (PIO Batangas City)