- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Mayor Dimacuha, keynote speaker para sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan sa LTO Batangas
- Details
- Monday, 27 March 2017 - 3:07:39 PM
Inihayag ni punong lungsod Beverley Rose A. Dimacuha ang kahalagahan ng mga kababaihan sa pamayanan at sa komunidad sa kaniyang pagharap sa mga kawani ng Land Transportation Office (LTO) Batangas bilang keynote speaker sa isinagawang flag raising ceremony noong ika-27 ng Marso. Ito ay bilang paggunita pa rin sa Women’s Month Celebration ngayong buwan ng Marso.
Si Mayor Dimacuha ang pang-apat at huling woman leader na inimbitahan ni Acting LTO Chief at Licensing Division Head Mrs. Teodora Aguirre at ni Registration Division Chief Mrs. Marilou Suelto upang magbigay ng mensahe tuwing araw ng Lunes sa may 40 personnel ng nasabing ahensiya. Sa temang “We Make Change Work for Women”, inisa-isa ni Dimacuha ang ginagampanan ng kababaihan sa pamilya man o sa estado.
Aniya, kalahati ng mundo ay binubuo na ng mga babae. Hindi aniya makakamit ng isang bansa ang progreso kung hindi magiging kabahagi ang mga kababaihan.
“Kung mapapansin ninyo, bihira na sa isang opisina ang walang empleyadong babae, minsan nga mas marami pa tayo kesa sa lalake e. Ibig sabihin nito, katulong na tayo sa pagbuhay ng isang komunidad. Kasama na tayo sa mga nagpapasok ng income sa kaban ng bayan,” ani Dimacuha.
“Mabuti nga ang mga lalake e, pagkatapos ng trabaho sa hapon, tapos na ang tungkulin nila, nakahiga na or nanonood na ng TV. Samantalang tayo? Umaga tayo ang naghahanda sa ating mga anak. Sa gabi tayo pa rin ang magluluto ng hapunan at mag-aasikaso sa bahay. Pero paalala lamang po na kahit pantay na ang karapatan natin, pagdating sa bahay, ang lalake pa rin ang head of the family, wag po nating aalisin yung karapatan na yun sa kanila,” paalala pa ni Dimacuha.
Nagbigay rin ng maikling pananalita si Congressman Marvey Marino. Inilahad niya ang ilang mga programa ng kaniyang tanggapan sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod. Sinabi rin niya na naghain siya ng Bill sa kongreso upang gawing isang Regional Center ang LTO Batangas. Nasa ikalawang pagbasa na aniya ito at kung ito ay maiipasa, maraming magiging plantilla sa LTO at maraming empleyado ang makikinabang dito.
Samantala, unang naging keynote speaker si Councilor Alyssa Cruz-Atienza, sinundan ni SPO2 Nena Bodoy-Garcia at dating Provincial Tourism Officer Emily Katigbak.(PIO Batangas City)
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.