- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Panawagan ng SP: Huwag magkalat ng maling impormasyon sa social media
- Details
- Wednesday, 03 May 2017 - 2:47:41 PM
Nanawagan ang mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod ng Batangas sa mga mamamayan na maging maingat at responsable sana sa pagpapalabas ng impormasyon partikular sa social media upang hindi magdulot ng pagkalito o masamang epekto sa publiko.
Sa kanyang privilege speech noong May 2, binanggit ni Association of Barangay Council (ABC) President Angelito Dondon Dimacuha ang isang maling impormasyon na ikinakalat sa social media ng mga taong hanggang ngayon ay hindi matanggap ang nagging hatol ng bayan sa kanilang hangaring pulitikal hinggil sa pagpapaayos ng Don Julian Pastor Memorial Market o Bagong Palengke kung saan sinasabi rito na ang P650 million- loan na hinihintay ng city government mula sa Land Bank of the Philippines ay sa nasabing palengke lamang gagamitin.
“Ito ay malaking kasinungalingan sapagkat sa ipinasa nating Annual Investment Program for 2017, P110 million lamang ang kailangan para matapos ang bagong palengke,” sabi ni Dimacuha.
“Nakakabahala po ang mga ganitong paninirang balita, lalo na at nanggagaling itong mga impormasyong ito sa isang dati nating kasamahan dito sa Sanggunian. Paano mangyayari na P650 million ang halaga ng new market, e samantalang noong nakaupo siya sa plenaryong ito, siya ang nag-scrutinized na maige kung saan-saan gagastusin ang P1billion loan na yan? Kaya alam na alam niya na hindi totoo ang mga ikinakalat niyang balita,” dagdag pa ni Dimacuha.
Ayon kay Councilor Nestor “Boy” Dimacuha, “hindi lamang ang ehekutibo ang malalagay in bad light sa usaping ito. Kundi maging ang dignidad ng sangguniang panglungsod, pagiisipan ng masama dahil sa mga lumalabas na maling impormasyon.”
Iminungkahi naman ni Coun. Sergie Rex Atienza na bumuo ng isang fact- finding committee upang maitama at maiwasan ang ganitong disinformation.
“Panahon na para gumawa tayo ng hakbang upang protektahan ang Sangguniang Panglungsod. Ang tagal nating nanahimik at sa pananahimik natin, maraming nabulag dahil sa ikinakalat na malisyosong balita. Hindi ko po alam kung ito ay may kahahantungan pang mas malaking kasinungalingan subalit mas maige po na maging handa tayo, alamin natin kung saan galing ang mga balitang ito at papanagutin sila,” pagtatapos ni Atienza. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.