Linggo ng Kabataan ipinagdiriwang

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Sa pangunguna ng Panglungsod na Pederasyon ng Sangguniang Kabataan sa Batangas City, ipinagdiriwang ngayong August 12-19 ang Linggo ng Kabataan sa pamamagitan ng mga gawaing pangkomunidad, youth leaders symposium at fund-raising campaign.

Ang selebrasyon ay may temang “Empowering the youth to build newly improved development programs”.

Ayon kay Sangguniang Kabataan (SK) Federation President Marjorie Manalo, nakasaad sa resolusyon na kanyang iniakda at naipasa sa session ng Sangguniang Panglungsod noong August 7 na ang bawat barangay ay magkakaroon ng taunang “Linggo ng Kabataan” tuwing August 12-19 na pangungunahan ng kanilang SK chairman.

Isang garage sale ang kanilang isinasagawa ngayong August 15-17 sa harapan ng ABC building kung saan ibinibenta nila ang mga branded na bags, damit, sapatos at mga accessories na mula sa donasyon ng mga city officials at department heads ng pamahalaang lungsod. Target nila na makalikom ng P 50,000 upang magamit bilang inisyal na pondo habang hinihintay nila ang budget ng pamahalaan para sa SK.

Magpapatalbugan naman sa kanilang mga talento ang mga kalahok sa SK Got Talent sa ika-19 ng Agosto sa Batangas City Convention Center.

Dalawandaang kabataan mula sa ibat-ibang paaralan at youth organizations ang inaasahang lalahok sa youth leaders symposium sa August 20 sa Teachers Conference Center kung saan tatalakayin ang mga paksa hinggil sa leadership, anti-drug abuse campaign at common teenage problems tulad ng pre-marital sex at teenage pregnancy.

Magsasagawa rin ng Color Run sa Sports Coliseum ground kung saan ang magiging beneficiary ay ang Cancer Warriors Foundation (CWF).

Para sa cluster activities ng SK, magkakaroon ng kasanayan sa basic life support ang Solid North SK Council, coastal clean up at feeding program para sa Solid Baybay SK Council, tree planting para sa Solid Upland at disaster management naman para sa SK Council ng Solid East. (PIO Batangas City)