Ibayong earthquake drill kailangan ng paaralan

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

BATANGAS CITY- Ibayong pagsasanay pa ang kailangan ayon sa Kumintang at San isidro Elementary Schools na lumahok sa 3rd quarter National Simultaneous Earthquake Drill kahapon, August 16.

Ayon sa tumayong incident commander na si Michelle Sandra Maghirang ng Kumintang ES, malaking bagay itong drill sa kanila lalo na at karamihan sa kanilang studyante ay mayroon special needs o yung may autism, down syndrome, ADHD at iba pang disability . Aniya, kailangang tuloy tuloy ang earthquake drill upang laging ma practice ito hanggang masanay na ang mga guro at estudyante kung ano ang dapat gawin kapag nagkalindol.

Para naman San Isidro ES, sinabi ng isang evaluator na kailangang maging organisado ang paaralan at magkaroon ng isang ligtas at malaking evacuation area.

Ayon naman sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), kailangang pabilisin ang response time ng mga estudaynte para hindi sila mapahamak sa panahon ng lindol.

Ang earthquake drill ay pinangasiwaan ng CDRRMC kasama ang ibat-ibang ahensiya kabilang na ang Bureau of Fire, City Social Welfare & Development Office, Public Information Office at DepEd. LIZA PEREZ DE LOS REYES/PIO Batangas City