Future development ng Batangas City tinalakay sa public consultation

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Ang pagkakaroon ng secondary growth centers mula sa northwestern part ng Batangas City pababa sa sourthern part upang maikalat and paglago o kaunlaran mula sa poblacion na siyang primary growth center ang magiging direction ng development ng lung sod sa sususnod na 10 taon o higit pa.

Ang magiging development framework strategy ng Batangas City sa hinaharap ang isa sa mga tinalakay sa unang public consultation ng pamahalaang lungsod hinggil sa ginawang review at pag update ng Comprehensive Land Use Plan (CLUP), Integrated Zoning Ordinance, Comprehensive Development Plan (CDP)at ng Local Development Investment Program (LDIP) ng Batangas City noong September 27 sa Batangas City Convention Center.

Nagsagawa ng presentation dito ang Palafox Associates na siyang nagsagawa ng review/update ng mga nasabing dokumento sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod at iba pang stakeholders.

Ang Palafox Associates ay pinamumunuan ng internationally renowned urban planner na si Arch. Felino Palafox, Jr. Ang mga long term plan, program and ordinance na ito ay matatapos na ngayong 2018 kung kayat ang mga ito ay kailangang i update para sa susunod na anim hanggang 10 taon upang ito ay tumugon sa pangangailangan at hamon ng darating na panahon.

Ang bagong CLUP at Integrated Zoning Ordinance ay para sa taong 2019-2028 (10 taon) ang CDP ay para sa 2019-2027 (9) at ang LDIP ay para sa 2019-2024 (6).

Dumalo sa public consultation sina Mayor Beverley Rose Dimacuha na sa kanyang mensahe ay binanggit ang mga naging kontribusyon ng mga nagdaang administrasyon sa kaunlaran ng lungsod at si Congressman Marvey Mariño na binigyang diin ang kanyang hangarin na magkaroonj ng balanced, sustainable at secure development ang lungsod.

Dumalo rin sina Vice Mayor June Berberabe, city councilors, barangay officials, Sangguniang Kabataan officials, at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor.

Tinalakay dito ng environment planner na si Geniveve Grace Ranchez ng Palafox Associates ang Project Contex kung saan ipinaliwanag niya ang mga stages sa review/update ng mga nasabing dokumento sa loob ng 15 buwan. Ang mga ito ay ang planning workshop ng Palafox sa Technical Working Group ng pamahalaang lungsod simula ng Enero ng taong ito, consultation sa mga students sa lahat ng levels at iba pang stakeholders, capacity building sa GIS o mapping, transportation, at disaster risk reduction management, data collection, coordination meeting , at site visits.

Nagkaroon din ng updating ng City Socio Ecological and Physical Profile bilang baseline data.

Ipinaliwanag naman ni Encarnacion Rarario ang rate of accomplishment ng lungsod sa mga sectors na nakapaloob sa mga existing CLUP, zoning ordinance, CDP at LDIP kung saan ang nagrate dito ay ang mga empleyado ng pamahalaang lungsod. Sa scale of 4/7, ang passing rate ay 57%.

Ang mga rates of accomplishment ay ang mga sumusunod: economic sector- 73%, environment-50%, social sector-66%, transport-67%, at instutional-62%. Ang overall rating ay 61% of accomplishment. Ipinakita ni Arch. Palafox ang mga Global Best Practices sapagkat dapat tingnan ng Batangas City ang papel nito sa probinsiya, rehiyon, sa Asia at sa buong mundo.

Ipinakita niya na ang trend sa mga itinuturinng na smart cities ay ang vertical urbanism, vertical gardens kung saan pwedeng magtanim ng mga gulay kagaya ng talong, kamatis, monggo, ampalaya at pipino. Pina practice din dito ang walking at biking.

“Let’s get inspired by cities that became first world in less than 15 years,” sabi niya. Binigyang diin ni Palafox na kailangang tingnan ng Batangas City ang mga competitors nito sa Batangas at Calabarzon at magsikap na maengganyo ang mga investors at mga tao na pumunta at gastusin ang kanilang pera rito upang maging countermagnet sa Manila.

Iprinisenta ni Dr. Gabriel Ma Lopez, EnP, ang proposed Working Vision ng Batangas City para sa 2018-2028-“Internationallly recognized progressive, secure, smart and resilient, sustainable RRurban (Regional Rural Uban) Port City engaged in stable agro industrial development and other profitable businesses, strengthened by state-of-the-art infrastructures,amenities, technologies and globally competent and responsible citizens while conserving its bio-diversity, environment and rich cultural heritage, governed by responsive, ethical servant leaders.”

Sa Presentation of Development Framework Strategy , ipinaliwanag ni Mari Beatrice Camemo, EnP, na kailangang i decentralize ang poblacion na siyang primary growth center upang ma spread out and development sa pamamagitan ng pagkakaroon ng secondary growth center sa northwestern part. Sa mga adjacent areas ng poblacion, kailangan din lagyan ng secondary growth center bilang suporta sa university town at mixuse development for residential, commercial and industrial use. Sa bandang sourthern part ilalagay ang isa pang secondary growth center at community-based tourism kung saan dapat narito na ang mga facilities at social inftrastructures upang hindi na kailangan pang pumunta ang mga tao sa poblacion para sa kanilang mga pangangailangan. Mahalagang ma develop and southern portion ng lungsod upang mahila rin ang development ng Isla Verde.

“Ang magiging development direction ng Batangas City ay up north and inward and down south,” sabi ni Camemo.

Ang port and harbour front ay kailangang mag improve o magkaroon ng expansion at extension facilities upang maging isang smart and multimodal port.

Ang heavy industrial zone ay dapat magkaroon ng strong buffer zone at kasunod nito ang multiuse development. Ipinakita ni Camemo ang mga inspirational images kung saan pwedeng i enhance ang mga major features ng lungsod. An g future growth ng Batangas City aniya ay sesentro sa port expansion, pagtatayo ng university town, mixuse development at community based tourism upang maging isa itong functional port city sa hinaharap. Nagkaroon ng isang open forum kung saan ipinaabot ng mga nagtanong ang pagbibigay ng emphasis sa environmental protection, safety and security at economic development sa ginagawang diversion road area.

Inanyayahan ng mga resource speakers ang publilko na magbigay ng kanilang suhestiyon upang mapag-aralan at ma consider sa pagbabalangkas ng final version ng mga nasabing dokumento.

Sinabi naman ni Secretary to the Mayor Victor Reginald Dimacuha na siya ay natutuwa sa magiging polycentric development ng lungsod at umaasang lahat ay magtutulungan upang makamtan ang layuning ito sa pangalan ng kaunlaran.

Inaasahan na sa Marso ng 2019 ay maaprubahan na ang mga dokumento ng Sangguniang Panlugnsod, (Angela Banuelos/PIO Batangas City)