City employees sumailaim sa capacity building sa solid waste info campaign

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Sumailalim sa Training Workshop on Capacity Building for Community Mobilization ang mga KA-BRAD (Katuwang ng Barangay: Responsible, Aktibo, Disiplinado) na binubuo ng mahigit sa 50 empleyado mula sa iba’t ibang departamento ng pamahalaang lungsod ng Batangas noong October 1-2 sa Hotel Pontefino.

Layunin ng training na ito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga KA BRAD ukol sa RA 9003 o Solid Waste Management Act of 2000, batas ukol toxic and hospital wastes management, at iba pang batas at alintuntunin para sa pangangalaga ng kapaligiran. Ang mga paksang ito ang tatalakayin ng mga KA-BRAD sa kanilang isasagawang information campaign sa mga barangay.

Nagkaroon din ng lecture para sa effective communication at leadership skills para maging epektibo ang mga KA BRAD sa pagpapaliwanag o pakikipag-usap sa m ga opisyal at residente ng barangay ukol sa batas at mahikayat ang kooperasyon ng mga ito.

Naging bahagi rin ng training ang pagpaplano at pagtalakay dito ng bawat grupo, kung saan nagbigay ng kanilang komento, suhestyon at pagsang-ayon ang mga miyembro ng Solid Waste Management Board (SWMB)

Ang mga KA BRAD ay hiinati sa limang grupo kung saan ang mga ito ay may assigned cluster ng barangay. Sila ang magsasagawa ng information education campaign, monitoring, tutulong at tututok sa assigned cluster nila upang matiyak na naiipatupad dito ang RA 9003 partikular ang waste segregation at pagbabawal sa paggamit ng plastic.

Nakasama ng mga participants ang mga miyembro ng SWMB na sina General Services Officer Joyce Cantre, City Environment and Natural Resources Officer (CENRO), Oliver Gonzales, City Health Officer, Dr. Rose Barrion, City Social Welfare Officer Mila Española, City Veterinarian, Dr. Macario Hornilla at City Market Administrator Ella Atienza.

Ito ay pinamahalaan ng City ENRO katulong ang Public Information Office. (PIO Batangas City)