Centenarians at centenaries sa lungsod, tumanggap ng cash incentive sa selebrasyon ng Elderly Week

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: Tumanggap ng cash incentive ang mga centenarians at centenaries sa lungsod sa selebrasyon ng Elderly Week ngayong araw, October 11. Ang mga ito ay sina Lorenza De Guzman (106) ng barangay Cuta, Crecencio Galicia (105) at Regina Javier (103) ng Mabacong, Agripina Amul (103) ng Banaba South, Rosita Sadiangcolor (103) ng Paharang West, Francisca Gonzales, (102), Felisa Macatangay (100) at Josefa Delos Reyes (100) ng Balete, Eleuteria Villena (101) ng Gulod Itaas, at Felisa Burog (100) ng Sta Rita Aplaya. Binigyan sila ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P 100,000 at P 30,000 naman ang halagang kaloob nina Congressman Marvey Marino at Mayor Beverley Dimacuha.

Ang naturang okasyon ay simpleng paraan ng lokal na pamahalaan bilang pagpapahalaga at pagkilala sa kanilang hindi matatawarang ambag sa lipunan. Malaking tulong ang nasabing halaga na magagamit ng mga awardees na pambili ng gamot at pagkain. Inilunsad din sa naturang okasyon ang Project ALKANSYA: Alalay sa mga Lolo at Lola na Ka BRAD At Nagtutulungan na Sumasagisag sa Yaman at Adbokasiya ng isang tunay na Batangueno. Ito ay flagship project ng Philippine Red Cross (PRC) – Batangas Chapter bilang pagpapahalaga sa kalusugan at kapakanan ng mga senior citizens sa lungsod kung saan ang Batangas City ang unang Local Government Unit (LGU) na magpapatupad nito. Layunin nito na hikayatin ang mga lolo at lola na magkaroon ng aktibong partisipasyon sa pagkakawanggawa at pagbabayanihan. Sa Project Alkansya, kailangang makapag-ipon sa tibyo ng halagang P 500.00 sa loob ng isang taon.

Dumalo sa nasabing okasyon si Luis Philip Manzano na nagbigay ng P 10,000 sa mga centenarians at P100,000 cash bilang pa raffle. Lubos ang kasiyahan at pasasalamat ng pamilya ng mga centenarians sa ipinagkaloob na cash incentive. Ang Elderly Week celebration ay pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pakikipagtulungan ng City Council For the Elderly (CCE) at Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA). (PIO Batangas City)