Farmer Heroes pinarangalan

  1.jpg 2.jpg

Batangas City – Apat na magsasaka ng Batangas City ang kabilang sa 35 Farmer Heroes sa Calabarzon na pinarangalan ng isang high-breed vegestable seed distributor sa Regional Champions Day dahilan sa kanilang malaking kontribusyon sa pagpapalago ng gulayan.

Ang apat na magsasakang ito na pinarangalan ng East-West Seeds Co. Inc. ay sina Gregorio Cabatay ng Brg. Malibayo, Menandro Alog ng Brgy. Balagtas, Monte Manalo ng Brgy. Pinamucan Ibaba at Vitorino Malibiran ng Brgy. Tabangao Dao.

Mula sa 35 Farmer Heroes ay pipili ng kinatawan ng Calabarzon sa National Champions Day na gaganapin sa November 24-26 sa Shangrila Hotel, Manila.

Ilan sa criteria sa pagpili ng Farmer Hero ay kung ano ang kanilang naitulong sa kanilang komunidad, naging isang ehemplo para lalo pang mapalago ang pagtatanim ng gulay, nakapagbigay ng hanapbuhay sa mga mamamayan ng barangay at nakapagbigay ng magandang buhay sa pamilya kagaya ng nakapagpaaral ng mga anak, nakapagpatayo ng bahay at nagkaroon ng magagarang sasakyan sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay.

Isa sa mga programa ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services ( OCVAS ) ay ang Binhi Ngayon Pagkain Bukas kung saan ito ay namimigay ng binhi ng gulay sa mga magsasaka.

Ang East-West Seeds Co. Inc. na siyang binibilhan ng OCVAS ng binhi ay naghahatid ng serbisyo, produkto at teknolohiya para sa pagpapalago ng gulayan.