Kasalang barangay para maging legal ang pagsasama idinaos

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Barangay Sta. Clara Chairman Derick Arago noong September 28 ay isinagawa ang Kasalang Barangay kung saan ikinasal ni Mayor Beverley Dimacuha ang may 12 pares.

Sa kanyang payo sa mga ikinasal, binigyang diin ni Mayor Beverley na ang kasal ay isang “lifetime commitment” kung kaya’t nagbigay siya ng ilang paalala para sa mas maayos na pagsasama ng mag-asawa. Una na rito ay ilagay ang Panginoon sa sento ng pagsasama, at tandaan na ang asawa ay regalo sa isa’t isa. Sinabi rin niya na dapat ay habang buhay ang ligawan ng mag-asawa para mapanatili ang tamis ng pagmamahalan; iwasan na ang barkada at maglaan ng panahon sa pamilya; mahalin rin ang pamilya ng asawa; maging bukas o tapat sa asawa at marami pang iba.

Hinikayat rin nya ang mga ikinasal na sakaling magkaroon na ng pagkakataon ay magpakasal sa simbahan.

Ang kasalang barangay ay isa lamang sa mga maramihang pagkakasal na isinasagawa ng libre ng pamahalaang lungsod ng Batangas sa pamamagitan ng City Civil Registrar’s Office (CRO). Libre rin ang pag-aayos ng mga dokumento para sa kasal at legitimation ng mga anak.

Noong Marso ay nagsagawa ng mass wedding kung saan may 48 pares ang ikinasal. Nakatakda muling magkaroon ng mass wedding sa Disyembre ng taong ito. (PIO Batangas City)