6400 day-old broiler chicken ipinamahagi ng lokal na pamahalaan

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Pinangunahan nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño ang pamamahagi ng day-old broiler chicken sa may 128 beneficiaries mula sa 50 barangay sa lungsod, November 4.

Ito ay isa lamang sa mga livelihod project ng pamahalaang lungsod na ipinatutupad ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) ngayong panahon ng pandemya. Natukoy ang mga beneficiary ayon sa kakayanan at kasanayan na mag-alaga ng ganitong breed ng sisiw/manok.

Sila rin ay mga miyembro ng agricultural organizations tulad ng Rural Improvement Club (RIC), City Agricultural and Fishery Council (CAFC), Fisherfolks at Livestock and Poultry Raisers Association (LPRA).

Ang bawat isang beneficiary ay tumanggap ng 50 sisiw na palalakihin, dalawang sakong patuka, mga gamot tulad ng vitamins at antibiotics, at P2,000.00 na pampagawa ng kulungan. Sumailalim rin sila sa orientation seminar kung saan itinuro ang tamang pag-aalaga ng mga broiler.

Magsasagawa ng regular monitoring ang mga tauhan ng OCVAS sa mga ito upang matiyak ang tagumpay ng proyekto. Layunin nina Mayor at Congressman na sa pamamagitan ng proyektong ito ay magkaroon ng extra income ang mga beneficiaries. “Alagaan po sana ninyo ang mga ito at palakihin, magtulong tulong po tayo upang muling makabangon,” sabi ni Mayor.

Idinagdag pa niya na maraming programa ang lokal na pamahalaan para sa mga Batangueno ngayong pandemya tulad ng educational, medical, burial at financial assistance.

Nakiusap rin siya na paigtingin pa rin ang disiplina at pag-iingat laban sa COVID 19. Ibinalita naman ni Congressman na inihahanda na ng kanyang tanggapan ang mga requirement upang ma-proseso ang financial assistance sa mga naapektuhang residente sa coastal barangays. Nakikipag-ugnayan na rin siya sa national government para makahanap ng pondo para naman sa road/infrastructure rehabilitation projects sa mga apektadong lugar. (PIO Batangas City)