P1B halaga ng pinsala ng bagyong Quinta at Rolly

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Tinatayang mahigit sa P1 bilyon ang napinsala ng magkasunod na bagyong Quinta at Rolly sa lungsod ng Batangas ayon sa partial report ng City Disaster Risk Reduction Office (CDRRMO), November 3. Ito ay na mula sa isinagawang Rapid Damage and Need Assessment and Analysis (RDNAA) ng mga konsernadong tanggapan ng pamahalaang lungsod. Nakapaloob sa halagang ito ang mahigit sa 985 milyong pisong napinsala sa imprastraktura kagaya ng naputol na bahagi ng national highway sa barangay Dela Paz Proper hanggang Talahib Pandayan at ang nasirang mga river control dike din dito. Nasira din ang tulay na nagdudugtong sa barangay Talumpok East at San Jose Sico at ang detour bridge papuntang barangay Dumuclay at Conde.

Kasama rin sa halagang ito ang mga partially at totally damaged na barangay hall, paaralan, chapel, spill way at iba pang imprastraktura sa oibat ibang barangay. Nakapagtala naman ng mahigit sa P14 na milyong pinsala sa agrikultura sa lungsod. Kabilang dito ang 10 milyong pisong nasirang pananim; mahigit sa P135,000 livestock and poultry damages at ang apat na milyong pisong (P4M) halaga ng mga nasirang gamit sa pangingisda tulad ng bangka. Mahigit naman sa limang milyon piso (P5M) ang naulat na pinsala sa environment.

Ayon sa report ng CDRRMO may 452 pamilya o 1,819 indibidwal mula sa iba’t ibang barangay ang nailikas noong bagyong Quinta habang 1,702 pamilya na may 5,723 indibidwal naitalang nasa may 44 evacuation centers noong bagyong Rolly. Ilang lugar naman ang naiulat na lumubog sa baha bunsod ng bagyong Rolly, kagaya ng Tierra Verde Subdivision, barangay Pallocan West Sitio Gitna, San Isidro; Old San Vicente at GK Village barangay Libjo.

Mabilis na nagsagawa ng rescue operation dito ang CDRRMC na binubuo ng mga tanggapan ng pamahalaang lungsod ng Batangas katulong ang national agencies tulad ng Philippine Red Cross- Batangas, Batangas City Police Office; Bureau of Fire Protection, Philippine Air Force. Nagsagawa rin ng clearing operations ang mga ito sa mga nabanggit na lugar pagkatapos ng bagyo.

Namahagi rin kaagad ng mga relief good ang Magkatuwang Tayo relief operation team. Inatasan naman kaagad ni Mayor Beverley Dimacuha ang City Engineers Office (CEO) at ang CDRRMC na magsagawa ng inspeksyon ng mga dranaige system , waterways, creekpara tiyaking maayos ang mga ito at walang anumang bara o sagabal sa tuloy tuloy na agos ng tubig para maiwasan ang mga pagbaha.

Gayundin ay iniutos nito sa mge electrical engineers ng CEO na i-check at i-assess ang mga electrical wiring ng mga bahay na lumubog sa baha para masigurong ligtas ang ito bago ibalik ang suplay ng kuryente.

Wala namang naiulat na nasawi o malubhang nasaktan sa magkasunod na bagyong Quinta at Rolly.(PIO Batangas City)