Pasasalamat sa frontliners, tema ng pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Batangas City

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Thank you Frontliners! Tuloy pa rin ang ating Pasko! ang tema ng Christmas lighting ceremony na isinagawa ng pamahalaang lungsod ng Batangas sa Amphitheater ng Plaza Mabini kung saan highlight nito ang pasasalamat sa mga magigiting na frontliners na patuloy sa paglaban sa COVID-19, December 1.

Nakiisa dito ang mga medical frontliners mula sa ibat-ibang ospital sa lungsod gayundin ang mga frontliners ng lokal na pamahalaan.

Sa pamamagitan ng facebook live ng Palakat Batangas City FB page, nagkaroon ng pagkakataon ang mga netizens na makilahok sa virtual celebration.

Isang audio-visual presentation ang ipinalabas na nagpapakita ng mga pagsubok na dumating at sama-samang nalampasan ng mga Batangueno tulad ng pagputok ng bulkan, baha, bagyo at COVID-19.

Ayon sa mensahe ni Mayor Beverley Rose Dimacuha, sa kabila aniya ng mga “challenges” na naranasan ng lungsod ngayong taon, kitang kita ang tatag, disiplina, malasakit sa kapwa at matibay na pananampalataya sa Diyos ng mga mamamayan. “Hindi kayang alisin ng COVID-19 ang Panginoong Hesus sa ating mga puso,” sabi ni Mayor Dimacuha. Ipinaabot niya ang taos pusong pasasalamat sa mga frontliners at hangad aniya ang worry-free Christmas para sa lahat. Binigyang diin naman ni Congressman Marvey Marino bagamat may pandemya, damang dama ang pagkakaisa ng lahat. Pinaalala niya ang patuloy na pagsunod sa mga health at safety protocols upang maiwasan ang virus.

Pinangunahan nina Mayor Dimacuha at Cong. Marino ang ceremonial switch on sa balcony ng City Hall. Nagningning ang lungsod ng Batangas dahil bukod sa giant Christmas Tree sa Plaza Mabini, inilawan din ang mga parol sa kahabaan ng P. Burgos gayundin sa EBD Bridge of Progress.

Naghandog ng Christmas carols ang Dangal ng Lungsod Batangan Chorale at mga myembro ng The Most Holy Trinity Parish Choir.

Nakiisa din sa naturang okasyon ang mga myembro ng Sangguniang Panglungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Dr Jun Berberabe at mga Department Heads. (PIO Batangas City)