BDRRMO’s ng Batangas City, nagkaloob ng tulong sa mga biktima ng bagyo sa Infanta, Quezon

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nagkaloob ng halagang P100,000.00 ang Barangay Disaster Risk Reduction Management Officers of Batangas City Inc. (BDRRMO) sa lokal na pamahalaan ng Infanta, Quezon bilang donasyon sa mga nasalanta ng bagyo kamakailan sa nasabing lugar.

Sinamahan ni Batangas City Disaster Risk Reduction Management Officer, (CDRRMO) Rod dela Roca ang grupo sa pagbisita dito noong December 2. Kabilang sa naturang donasyon ang P50,000.00 cash at P50,000.00 na halaga ng groceries na kanilang nakalap mula sa “Ala Eh! Sama-sama sa Pagbangon sa Kalamidad ng Kahapon,” relief operation drive na kanilang inilunsad.

Ang donasyon ay tinanggap ni Infanta Mayor Filipina Grace America. “Ito ay bilang pagtanaw namin ng utang na loob sa kabutihang ipinamalas nila sa ating mga kababayan na naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal ,” sabi ni Randy Bagsit. Si Bagsit ang Pangulo ng BDRRMO. Idinagdag pa niya na ilang bayan pa sa lalawigan ng Batangas ang nakatakda nilang abutan ng tulong. (PIO Batangas City)