Barangay Libjo, muling nagsagawa ng road clearing operation

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Sa ikalawang pagkakataon, muling nagsagawa ang barangay Libjo ng road clearing operations (BaRCO) sa kanilang lugar kasama ang validation team ng lokal na pamahalaan, May 15.

Ang grupo ay pinangunahan ni DILG City Director Esther Dator, kasama ang mga kinatawan ng Batangas City Police Station (BCPS), Bureau of Fire Protection (BFP), TDRO, ilan pang konsernadong ahensya at mga barangay officials sa pamumuno ni Punong Barangay Joel Chavez.
Magugunita na nakiisa sa nationwide BaRCO na ginanap noong May 10 ang lahat ng 105 barangays ng lungsod.

Layunin ng naturang road clearing operation na isinasagawa bilang pagtalima sa kautusan ng DILG na alisin ang mga istraktura o anumang sagabal sa daanan ng mga tao upang mapaluwag ang kalye para sa maayos na daloy ng trapiko at maiwasan ang aksidente sa kalye.

Sinadya nila ang Sitio Lam-ao kung saan hiniling ni Chavez ang kooperasyon ng mga residente para tanggalin ang mga lampas na bubong ng mga tindahan, nakalabas na mesa ng mga kainan, halaman at basurahan na nasa road shoulders, mga illegally parked vehicles at iba pa.

Mahigpit din ang pakiusap niya ukol kalinisan at tamang pagtatapon ng mga basura pati na rin ang pag-iingat sa mga bagay at gawaing maaring pagsimulan ng sunog, lalo pa nga’t maliliit ang mga eskinita at dikit diikit ang bahay sa nasabing lugar.

Inatasan ni Chavez ang kanyang mga opisyales na magsagawa ng regular na monitoring sa kanilang nasasakupan upang matiyak ang pagtalima ng residente sa mga alituntunin ng pamahalaan at masiguro ang kanilang kaligtasan. (PIO Batangas City)

#nationwideBARCOsaBagongPilipinas2024