Linggo ng Kabataan, ipinagdiwang sa barangay Banaba South

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Ibat-ibang gawain ang inihanda ng mga Sangguniang Kabataan officials ng barangay Banaba South sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan noong August 8-10 na may temang “ Tunog ng Progreso: Kabataang Filipino sa landas ng Sustinableng Pagbabago”.
Kaalinsabay ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan ay ang International Youth Day 2024.

Nagsimula ang kanilang pagdiriwang noong August 8 sa pamamagitan ng pagbibigay ng Theoretical Driving Course (TDC) sa mga kabataan sa kanilang lugar sa tulong ng LTO Region IV A CALABARZON.

Nagsagawa din sila ng parada at banal na misa bago pormal na simulan ang Youth Leadership Summit.
Nagsilbing keynote speaker ang Assistant Secretary & Commisssioner ng National Youth Commission na si Atty. Reena Viviene Pineda.
Payo niya sa mga kabataan na mangarap hindi lamang upang makamit ang propesyong minimithi manapay mangarap din upang maging mga mabuting tao na maka-Diyos, makabayan at makabansa.

Nagsilbing kinatawan naman ni Mayor Beverley Dimacuha si Vice Mayor Alyssa Cruz na nagpaabot ng pagbati at papuri sa mga SK officials ng naturang barangay.

Tinalakay ni City Environment Officer ang paksa hinggil sa Youth Advocacy in Environmental Policy habang Empowering Youth for Sustainable Innovation naman ang ibinahagi ni SK Federation President Marcus Castillo.

Naging paksa ng focal person ng Digital Democracy na si Dr Meann Antenor ang tungkol sa Transformative Youth Leadership in Sustainable Policy Development habang ang Digital Technology and Sustainability: Opportunities and Challenges ang ipinaliwanag ng dating SK Federation President ng Batangas Province na si Maria Louise Vale.

Ipinakilala din sa naturang okasyon ang kanilang mga little officials. Nagsagawa din sila ng libreng HIV testing at Health and Wellness Fair.
Bukod sa libreng gupit at zumba for a cause, bahagi din ng kanilang pagdiriwang ang pagdaraos ng academic quiz competition, photography contest, poster making contest at basic computer tutorial.

Nagpasalamat si SK Chairperson Arren Rivera sa tulong at suportang ipinagkaloob ni Mayor Beverley Dimacuha para sa tagumpay ng kanilang LNK activities. Hangad aniya nila na sa pamamagitan ng mga gawaing kanilang inihanda sa selebrasyon ng LNK ay mabibigyan nila ng kasiyahan at matutugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga kapwa kabataan.

Nakiisa din sa nasabing okasyon si Barangay Chairperson Estrella Due at Head Teacher ng Banaba South Elementary School na si Filomeno Madlangbayan. (PIO Batangas City)