Iba’t ibang ganda ng fluvial procession ng Sto. Niño ipinakita sa photo contest

  art1.jpg art10.jpg art11.jpg art12.jpg art13.jpg art14.jpg art15.jpg art2.jpg art3.jpg art4.jpg art5.jpg art6.jpg art7.jpg art8.jpg art9.jpg

Nanalo ng first place si Mildred Mendoza sa taunang Photo Contest ng pamahalaang lungsod ng Batangas kung saan subject ang fluvial procession ng Mahal na Poong Sto. Nino ng Batangan sa temang “Pag Kasama ang Sto. Nino, Tuwa at Ligaya ang Dulot Nito” sa awarding ceremony na ginanap sa SM City Batangas noong ika-13 ng Enero.

Pumangalawa sa kanya si Tintin Mendoza at 3rd prize naman si Johnbert Lopez. May 135 entries ang lumahok dito.

Ayon kay Cuizon, unanimous ang kanilang naging desisyon sa pagpili ng mga nagwagi. Bagamat simple lamang, may “drama” aniya ang entry ni Mendoza at naisabuhay aniya nito ang tema ng kompetisyon.

Nagsilbing mga hurado at tumayong Chairman of the Board of Judges ang Kapatiran at Ugnayan ng Natatanging Sining at Talentong Pilipino o KUNST President na si Virgilio Cuizon, Banaag Presidential Awardee Oggie Maristela, at ang multi-awarded artist na si Aris Bagtas.

Nagbigay ng ilang pointers si Cuizon kung saan binigyang diin niya na mahalaga para sa isang photographer ang makaisip ng magandang konsepto o komposisyon sa kanyang kukunang larawan. Pinayuhan din niya ang mga kalahok na gumamit ng rule of thirds sa photography at maging creative sa pagkuha ng larawan.

Lubos ang pasasalamat ni SM City Batangas Assistant Mall Manager Mina Buenaflor sa pamahalaang lungsod ng Batangas dahil sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na maging venue ng naturang proyekto sa pagpopromote ng talento ng mga Batangueno artists.

Sina Cultural Affairs Committee Vice-Chairman Ed Borbon at Buenaflor ang kasama ng mga hurado sa ribbon-cutting ceremonies ng photo exhibit na tatagal hanggang January 16. (PIO Batangas City)