- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Supplemental AIP no.1 for 2017, inaprubahan ng CDC
- Details
- Friday, 21 April 2017 - 11:07:46 AM
BATANGAS CITY-Halos P3 bilyong piso ang nakapaloob na halaga ng Batangas City Supplemental Annual Investment Program No. 1 for 2017 ang inaprubahan ng Batangas City Development Council noong April 6 kung saan ito ay gagamitin sa mga proyektong pumapatak sa general public services, social services at economic services.
Sa ilalim ng general public services, ay ang mga executive services kung saan ang karagdagang pondo ay gagamitin para sa Transportation Development and Regulatory Office(TDRO), Gender and Development(GAD), City Disaster Risk Reduction and Management Fund, 20% Development Fund at Special Education Fund.
Ayon kay City Planning and Development Coordinator Januario Godoy, nakapaloob sa supplemental budget ang mga financial charges/fees na babayaran ng city government na kaakibat ng loan sa Land Bank para sa construction ng 3rd bridge, completion ng DJPMM 3rd market, Colegio ng Lungsod ng Batangas, City Engineer’s Office, equipment/furnishings para sa CLB, at pagsasaayos ng mga kalsada sa poblacion at barangay. Nakalagay din ang karagdagang halaga para sa right-of-way acquisition sa gagawing diversion road mula Startollway papuntang Pinamucan Ibaba. Nakapaloob din dito ang acquisition budget counterpart ng city sa Bottom Up Budgeting ng pamahalaang nasyonal para sa poverty alleviation. Nakalista rin dito ang P300 million-grant na manggagaling sa NDRRMC para sa pagpapalakas pa ng disaster preparedness ng lungsod at ang P20 million na ipagkakaloob ng DSWD para sa mga social projects. Binanggit din niya ang planong proyekto ng Local School Board na magtayo ng Batangas City High School for the Arts.
Sinabi ni Congressman Marvey Mariño na “Ito po ay dagdag sa mga nakaplano na para sa 2017. Isipin po ninyo kung gaano kadami ang idadagdag natin dahil nagkaroon po ng pondo, meron pang labis na pondo na collection ng Batangas City noong isang taon kaya lahat ng narito ay maiipagawa natin.”
Hinggil sa Startollway-Pinamucan diversion road na proyekto ng DPWH, ang city aniya ang gagastos sa right-of-way acquisition upang mapabilis and proyektong ito at mas malaki ang pondong mailaan ng DPWH sa pagpapaganda ng kalsada. “Hindi naman pwedeng bubutas ng diversion road ng walang lagusan. Pag bumili tayo ng right-of-way, may lagusan mula Star Roll hanggang Sampaga. Naka bid na yung tulay sa Dalig para pag nabili na ang right-of-way tuloy tuloy na hanggang Sampaga,” dagdag pa ni Congressman Mariño.
Binanggit din ng Congressman ang coordination niya at ni Mayor Beverley Rose Dimacuha kung saan madami siyang dinadalang proyekto mula sa national government upang mabawasan ang gastos ng city government at maidagdag ang local funds sa mga proyekto nito kagaya ng scholarships at healthcards.(PIO Batangas City)
Latest News
- Shell Pilipinas Corporation culminated the rolling out of the Master of Disaster (MOD) program in Batangas City at the Schools Division Office (SDO) last September 6
- Nasa 51.5% ng mga kabataan sa lungsod ang aktibong nakikilahok sa mga cultural activities sa Batangas City
- May 150 pamilya sa lungsod ang nagtapos bilang benepisyaryo ng programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), September 11
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.