- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Dance groups nagtanghal sa benefit concert para sa kapwa dancer
- Details
- Wednesday, 26 April 2017 - 9:57:14 AM
Nagtanghal ang iba’t ibang dance groups sa Batangas City sa isang benefit concert na tinaguriang “Footworx” upang bigyang pugay at suporta ang isang kapwa dancer na naputulan ng paa dahil sa sakit.
Ang pagtatanghal na ito na idinaos noong ika-22 ng Abril sa Batangas City Convention Center ay inialay kay Mr. Luis Borbon, isang guro, folk dancer at miyembro ng Batangas City Cultural Affairs Committee.
Ang benefit concert ay inisyatibo ng mag asawang Manny at Wheng Adarlo ng sikat na VIP Dancers ng actress-politician na si Ms. Vilma Santos sa kanyang tv show noon. Kapwa sila naging mga estudyante ni Borbon sa Batangas National Highschool (BANAHIS) kung kayat bilang pagpapasalamat at pagmamahal sa isang dating guro, naisipan nilang ialay ang fund-raising project na ito sa kanya.
Ang pagtatanghal ay binuo ng ibat’ ibang sayaw mula sa native, 80’s at modern dances na binigyang buhay at kulay ng Batangas Dancers Community na kinabibilangan ng Indak Bambino, Drago Dela Contempo,D’ Soul Dancers, Salute De Familia, BSU Dance Company, UB Dance Group, Danztek, Aligma, Ultimate HipHop, VIP Dancers at ang BANAHIS Dance Troupe na isa si Borbon ang nagtaguyod.
Sa okasyon ding ito ipinagkaloob ng isang grupo ng mga aerobic dancers sa pangunguna ni Dr. Ana Palacios ang halagang P 60,000 na kanilang nalikom sa kanilang raffle for a cause na tinagurian namang “For the Love of the Dance and the Dancer”.
Para sa isang tao na ang buhay at puso ay nasa pagiging guro at alagad ng sining, ang mainit na pagbuhos ng suporta sa kanya mula sa mga kapwa artists ay isang pagkilala sa kanyang mga nagawa sa mga taong ang buhay ay naging bahagi siya at sa naging paglilingkod niya sa kanyang komunidad.
“Isang taos pusong pasasalamat ang nais kong ipahatid sa lahat, kasama ang isang panalangin na kayong lahat ay pagpalain dahil sa inyong adhikaing makatulong sa inyong kapwa gamit ang talentong bigay Niya,” sabi ni Borbon. Isa aniyang malaking karangalan ang mabigyan ng ganitong klaseng pagmamahal ng kanyang mga kaibigan, ka-batch, kaeskwela, kasamahan sa trabaho, mga dating mag-aaral at iba pa. (PIO Batangas City)
Latest News
- Shell Pilipinas Corporation culminated the rolling out of the Master of Disaster (MOD) program in Batangas City at the Schools Division Office (SDO) last September 6
- Nasa 51.5% ng mga kabataan sa lungsod ang aktibong nakikilahok sa mga cultural activities sa Batangas City
- May 150 pamilya sa lungsod ang nagtapos bilang benepisyaryo ng programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), September 11
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.