- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
City DILG Memo sa mga barangay officials: Gamitin ang inyong barangay disaster plan kung may kalamidad
- Details
- Thursday, 27 April 2017 - 3:24:12 PM
BATANGAS CITY-Matapos ang lindol na yumanig sa Batangas City noong April 4 at 8, isang memorandum ang ipinalabas ng Deparment of Interior and Local Government Office(DILG) City Director na si Victoria Amor San Gabriel sa mga barangay officials kung saan hinikayat niya ang mga ito na gamitin ang kanilang Barangay Disaster Contingency Plan kung mayroong kalamidad upang malaman ang dapat gawin at mapangalagaan ang kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan.
Ayon sa nasabing memorandum, kailangang i revisit ng mga barangay officials ang kanilang “Barangay Disaster Contingency Plan kung saan nilalaman nito ang mga evacuation areas, aksyon na dapat isagawa, mga grupo/organisasyon na maaaring makatulong at profile ng mga residente na nangangailangan ng agarang pansin sa panahon ng sakuna.” Dapat ding i update ang planong ito at makipag-ugnayan sa CDRRMO upang ito ay maisagawa.
Upang maging madali ang komunikasyon at pagpapakalat ng impormasyon, sinabihan din ang mga barangay officials na i-upgrade at i-set ang frequency ng radio ng barangay upang maka-connect sa Radio Base ng CDRRMO na siyang tutulong sa mga barangay upang magawa ito. Ayon kay CDRRMO chief Rodrigo de la Roca, bagamat lahat ng barangay ay may radio, 30% lamang ang naka connect sa Radio Base ng CDRRMO kayat ang mga barangay ay ni re require na na ikonekta ang kanilang radio sa CDRRMO upang ma institutionalize ang communication system sa panahon ng kalamidad.
“Pagkatapos ng kalamidad, kailangang kaagarang magbigay ng ulat sa CDRRMO ng sitwasyon ng barangay at isaad dito ang status ng lifelines(kuryente, tubig, komunikasyon), bilang ng inilikas, inisyal na ulat ng napinsala at iba pang impormasyon sa pamamagitan ng text message, tawag sa telepono o radio,” ayon pa rin sa memo.
Sa isang pagpupulong ng mga barangay captains na ipinatawag ni Mayor Beverley Dimacuha pagkatapos ng naganap na lindol, ipinaliwanag din ni CDRRMO chief Rodrigo de la Roca na dapat gamitin ng mga barangay ang kanilang 5% calamity fund kung saan ang 30 % ay para sa relief and rehabilitation habang ang 70% ay para sa prevention, mitigation and preparedness. Kailangan lamang makipag-ugnayan sa city government kung ano ang mga pagkakagastusan ng calamity fund.(PIO Batangas City)
Latest News
- Shell Pilipinas Corporation culminated the rolling out of the Master of Disaster (MOD) program in Batangas City at the Schools Division Office (SDO) last September 6
- Nasa 51.5% ng mga kabataan sa lungsod ang aktibong nakikilahok sa mga cultural activities sa Batangas City
- May 150 pamilya sa lungsod ang nagtapos bilang benepisyaryo ng programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), September 11
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.