- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Grand Family Day idinaos ng PopCom
- Details
- Wednesday, 29 November 2017 - 3:38:42 PM
Magkasabay na isinagawa ng PopCom Division ng City Health Office ang kanilang maagang Christmas party at Grand Family Day para sa mga Barangay Service Point Officers (BSPO) noong November 28 sa Teachers’ Conference Center.
Ang selebrasyon ay may temang “Empowering the Community through a Well-Planned Family,” na siyang ring naging paksa ng lecture ni Konsehal Allysa Cruz, Chairman, Committee on Women and Family Welfare ng Sangguniang Panlungsod.
Ipinaliwanag ni Konsehala Cruz na lahat ng family planning methods ay ligtas at epektibo basta’t gagamitin ito sa tamang pamamaraan. Sinabi rin niya na malaki ang maitutulong ng family planning para magkaroon ng matiwasay at tahimik na komunidad. Ayon sa kanya, kung may tamang bilang at agwat ng pag-aanak, mababawasan ang kahirapan, pagkagutom, at malnustrisyon at mababawasan rin ang kriminalidad. “Pag konti po ang anak, konti lamang ang maghahati hati sa kita ng pamilya, magkakaroon ng sapat na pagkain kaya’t walang magugutom at hindi gagawa ng masama para may makain,” dagdag pa ni Konsehala Cruz.
Pinasalamatan naman ni Mayor Beverley Dimacuha ang mga BSPO na katulong ng pamahalaang lungsod sa pangangalaga ng kalusugan at nagtuturo ng tungkol sa family planning sa mga residente ng barangay. Ipinaalam din niya na mas pinalawak pa amg serbisyo ng EBD Healthcard kung saan tinutugunan na rin nito ang mga laboratory tests at diagnostic procedures.
Ipinaalala rin ni Mayor Dimacuha sa mga magulang na suportahan ang mga anak sa kanilang pagsisikap at purihin ang mga ito sa kanilang mga magagandang ginagawa. “Dahil po Grand Family Day nyo ito, gusto ko lang pong ipaalala sa inyo, na higit sa edukasyon, ang pinakamahalagang maipapamana ninyo sa inyong mga anak ay isang masaya at buong pamilya. At kung masaya ang pamilya at may magandang pundasyon ang mga anak, hindi sila makakaisip gumawa ng masama, mababawasan ang krimen sa komunidad,” sabi ng mayor.
Dumalo rin sa okasyong ito sina Acting Regional Director, PopCom Region IV, Marilyn Ogaya, Konsehal Serge Atienza at Aileen Montalbo, at Bokal Claudette Ambida.
Naging bahagi ng selebrasyon ang contest sa talento ng mga pamilya kung saan nagpagalingan sila sa husay sa pag-awit at pagsayaw. Nanalo ng unang gantimpala ang pamilya nina Noli at Lolita Mendoza mula sa Unit 4-A; ikalawang gantimpala sina Carmela at Rowena Cinco ng Unit 2 ; at ikatlo naman ang pamilya nina Ivy at Regan Bolor ng Unit 6.
Ang Batangas City na lamang ang tanging pamahalaang lokal sa buong lalawigan ng Batangas na may BSPO, kung saan ang mga ito ay may bilang na 121 at tumatanggap ng allowance mula sa pamahalaang lungsod. (PIO Batangas City)
Latest News
- Fire Square Road Show, itinaguyod ng Bureau of Fire Protection (BFP) Batangas City
- Tinanghal na That's My Boy – Outstanding KAB Scout si Christian Kyle Guevarra ng District 6
- Shell Pilipinas Corporation culminated the rolling out of the Master of Disaster (MOD) program in Batangas City at the Schools Division Office (SDO) last September 6
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.