- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
OCVAS namahagi ng f1-gilt sa iba’t ibang barangay
- Details
- Wednesday, 29 November 2017 - 3:46:32 PM
Isa na namang kabuhayan ang ipinagkaloob ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) sa pamamagitan ng F1-Gilt Dispersal Program nito kung saan may 41 beneficiaries mula sa iba’t ibang barangay ang tumangap ng tig-isang baboy.
Ang ipinamahaging F1- gilt ay isang high breed na inahining baboy na walong buwan ang edad. Ito ay may timbang na 80 kilo at pataas at inaasahang manganganak sa susunod na taon na karaniwan ay sampu o higit pa ang mga biik.
Sa ilalim ng programang ito, kapag nanganak na ang F1- gilt, ang isang beneficiary ay magbabalik sa OCVAS ng isang inahining biik na siyang aalagaan at ibibigay naman sa iba pang maaring makinabang.
Ayon sa OIC ng OCVAS na si Dr. Macario Hornilla, bago ipamahagi ang mga baboy ay sumasailalim muna sa isang orientation seminar ang beneficiaries upang ipaalam ang mga detalye ng programa at ang mga nakasaad sa kontrata. Itinuturo rin ang tamang pag-aalaga ng mga inahing baboy at tamang pangangasiwa ng dumi ng mga ito upang hindi makasira sa kapaligiran.
“Napaka importante po na may tamang paglalagyan ng dumi, dahil ang dumi ng hayup ay nag-i-emit ng maraming gas na nakakasira sa kalikasan,” sabi ni Dr . Hornilla.
May regular na monitoring ang OCVAS sa mga benepisyaryo upang matiyak ang tagumpay ng proyekto. (PIO Batangas City)
Latest News
- Fire Square Road Show, itinaguyod ng Bureau of Fire Protection (BFP) Batangas City
- Tinanghal na That's My Boy – Outstanding KAB Scout si Christian Kyle Guevarra ng District 6
- Shell Pilipinas Corporation culminated the rolling out of the Master of Disaster (MOD) program in Batangas City at the Schools Division Office (SDO) last September 6
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.