- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
PNP at military nag-ulat sa peace and order sa lungsod
- Details
- Wednesday, 29 November 2017 - 5:12:30 PM
BATANGAS CITY-Nagkaroon ng joint meeting ng City Peace and Order Council, City Anti-Drug Abuse Council(CADAC) at MASA MASID Team nitong November 28 kung saan nagkaroon ng updates tungkol sa peace and order situation partikular sa criminality at public safety, kampanya laban sa ilegal na droga at gambling at terrorism at extremism.
Sa report ni Pol. Chief Inspector Jaime Pederio, sinabi niya na ang walong focus crimes sa lungsod mula January-October 2017 ay ang physical injury(58), theft(48), robbery(31), murder(25), motornapping(12), rape(11), homicide at carnapping(1).
Sa kabuuang 105 barangay, may 99 na barangay ang drug-affected, anim ang unaffected, declared cleared of drugs ang De la Paz Pulo Itaas habang pending ang declaration ng Ilijan bilang drug-free barangay. May 247.49 grams ng shabu na may estimated value na P457,856.50 ang nakumpiska.
May 31 tao naman ang naaresto sa illegal gambling, halagang P2.249 ang nakumpiskang bet money at siyam na kaso ang naihabla sa korte.
Iniulat naman ni 2nd Lt. Ferdinand Macopia ng Philippine Airforce na wala silang “monitored armed movement” sa Batangas City matapos ang nangyaring encounter ng military at police sa mga National People’s Army rebels sa Tibig Talahib Pandayan nitong September. Dahilan sa mga criticial areas na malapit sa lungsod, patuloy aniya ang kanilang monitoring sa boundary ng Cumba, Talumpok Silangan at Talahib Pandayan
“Our goal is to make Batangas City the most dangerous place for the NPAs,” binigyang diin ni Macopia. Mahalaga aniya ang tulong ng taong bayan upang maprotektahan ang lungsod laban sa mga terorista at extremists.
Nagpaliwanag din si Department of Interior and Local Government(DILG) CLGOO Amor San Gabriel tungkol sa Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Ilegal na Droga o MASA MASID Program kung saan iniinganyo ng pamahalaan ang tulong ng komunidad sa pagsugpo sa kriminalidad, anomalya at ilegal na droga. Ayon sa kanya, layunin nilang mabuo ang samahang ito hindi lamang sa city level kundi sa mga barangay. Ang Barangay MASAMASID Team ay bubuuin ng mga kinatawan ng faith-based organizations, civil society organizations(CSOs) , non-government organizations, people’s organizations at CSO representative mula sa Barangay Peace and Order Council at Barangay Anti-Drug Abuse Council.
Binigyang diin ni Secretary to the Mayor RD Dimacuha na ang mga ipararating na reklamo laban sa anomalya, illegal drugs at kriminalidad, ay kailangang magkaroon ng vetting o masusing pag-aaral at imbestigasyon upang masiguro na ang mga ito ay valid complaints at hindi para lamang manira ng isang tao. (PIO Batangas City)
Latest News
- Fire Square Road Show, itinaguyod ng Bureau of Fire Protection (BFP) Batangas City
- Tinanghal na That's My Boy – Outstanding KAB Scout si Christian Kyle Guevarra ng District 6
- Shell Pilipinas Corporation culminated the rolling out of the Master of Disaster (MOD) program in Batangas City at the Schools Division Office (SDO) last September 6
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.