- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Veteran director dumalo sa screening ng kanyang internationally-acclaimed film Ma Rosa
- Details
- Wednesday, 29 November 2017 - 3:58:05 PM
BATANGAS CITY - Muling bumisita sa lungsod ang award winning director na si Brillante Mendoza sa paglulunsad ng special screening ng pelikulang Ma Rosa sa SM City Batangas noong November 29.
Ang award winning film na “Ma Rosa” ay pinagbibidahan ni Jaclyn Jose na nanalo bilang Best Actress sa 69th Cannes Film Festival. Nominated din ito sa Palme d’ Or sa naturang prestihiyosong award giving body.
Naging Best Director naman si Mendoza para sa pelikulang ito sa 54th Gijon Film Festival Ito ay kwento ng isang pamilya na napilitang magbenta ng ipinagbabawal na gamot dahil sa hirap ng buhay.
Ito ay kinunan sa slums district sa Maynila kung saan ipinakita dito ang pagkapit sa patalim sa oras ng pangangailangan ng isang kapamilya.
Si Mendoza ay isang independent film director na nakagawa na ng may 17 pelikula mula noong taong 2005 kabilang dito ang Masahista, Kaleldo, Manoro, Pantasya, Foster Child, Tirador, Serbis, Kinatay, Lola,Captive and Thy Womb.
Ilan sa mga parangal na pinagwagian ni Mendoza ay ang Best Director para sa pelikulang “ Kinatay” sa 62nd Cannes Film Festival. Taong 2009 naman nang nanalo ang pelikulang “Lola” bilang Best Film sa 6th Dubai International Film Festival. Ang pelikulang “Captive” na ginawa niya noong 2011 ay naging kalahok sa 62nd Berlin International Film Festival noong February 2012 at sa katatapos lamang na 69th Venice International Film Fest. Dumalo sa nabanggit na okasyon sina SVP for Marketing and Communications Group na si Millie Dizon, SM City Batangas Mall Manager Mina Buenaflor, kinatawan ni Mayor Beverley A. Dimacuha na si Vice-Chairman ng Cultural Affairs Committee at School Director ng Cristo Rey Institute for Career Development (CRICD) na si Eduardo Borbon at Dr Lorna Gapi ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB).
Ipinaabot ni Dimacuha sa kanyang mensahe ang kanyang pasasalamat kay Mendoza sa pagbibigay ng mga de kalidad na pelikulang hinahangaan hindi lamang sa bansa gayundin sa buong mundo. “ Ang mga pelikula ni Mendoza ay nagpapatibay ng paniniwala na salat man sa kabuhayan ang mga Filipino, hindi naman salat sa husay sa larangan ng sining.
Nagpaabot ng pagbati at pasasalamat si Buenaflor kay Mendoza “for making SM malls the home of his films.”
Nagkaroon ng screening ng Ma Rosa sa mga mag-aaral ng CLB at CRICD.
Pagkatapos ng maikling programa, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga lokal na mamamahayag na makapagtanong kay Director Mendoza sa isang presscon.
Ayon kay Mendoza, prayoridad niya ang paggawa ng mga indie films kaysa sa mga commercial films kung saan mas may fulfuillment siya sapagkat nakakatulong ito upang magkaroon ng awareness o kamalayan ang mga mamamayan hinggil sa ibat-ibang isyu sa lipunan. (PIO Batangas City)
Latest News
- Fire Square Road Show, itinaguyod ng Bureau of Fire Protection (BFP) Batangas City
- Tinanghal na That's My Boy – Outstanding KAB Scout si Christian Kyle Guevarra ng District 6
- Shell Pilipinas Corporation culminated the rolling out of the Master of Disaster (MOD) program in Batangas City at the Schools Division Office (SDO) last September 6
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.