Ipinagawang infrastructure projects noong isang taon iniulat

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

Iniulat ng City Engineer’s Office ang mga naipagawang infrastructure projects sa Batangas City noong 2017. Pitong public school buildings ang naipatapos kabilang dito ang 3-storey, 15 classroom sa Julian A. Pastor Memorial School (JAPMES) sa brgy. Cuta at Sta. Rita Karsada Elementary School; 2-storey, 8 classroon building sa South Elementary School at Simlong Elementary School; 4 –classroom building sa Sto. Domingo Elementary School at 2- classroom sa San Agustin, Isla Verde.Tinatapos naman ang konstruksyon ng tatlong palapag na gusali ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) at inaasahang magagamit na ito sa pagbubukas ng klase sa Agosto ng taong ito. Nakapagpagawa rin ang pamahalaang lungsod ng anim na multi-purpose covered courts sa mga barangay Banaba West, Bilogo, Dela Paz Proper, East Elementary School at Tinga Itaas Soro-soro Ibaba Soro-soro itaas (TISISI) National High School.

Tatlong day care centers ang naipagawa sa barangay Dumuclay, Tingga Itaas at kumintang Ibaba. Natapos na rin ang konstruksyon ng stage with extended roofing sa Parang Cueva, San Andres, Isla Verde, Conde Labac at Mabacong. Nagpagawa naman ng pier sa Liponpon, at San Agustin, Isla Verde. May labindalawa pang infrastructure projects ang naipagawa sa iba’t ibang barangay kagaya ng Birthing Facility sa brgy. Libjo; Health Center sa Balagtas Senior Citizen/Women’s center sa Gulod Labac; school stage sa Ilijan National High School at iba.

Natapos na rin noong nakaraang taon ang “first of its kind” sa CALABARZON na 3-storey evacuation center sa barangay Bolbok. Ang pagkakagawa at disenyo nito ay sumunod sa itinakdang disenyo at standard ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil ito ay may pasilidad na angkop sa mga pangangailangan ng mga taong may kapansanan at senior citizens.

Kinonkreto rin ang mga karsada sa may 15 barangay kagaya ng Pagkilatan, Dela Paz Pulot Itaas, Pinamucan Silangan, Dalig, Catandala at iba pa. Isinaayos rin ang mga drainage system sa Philippine Science High School; Pinamucan Ibaba; Poblacion 6; Pallocan West, at lima pang barangay. Ganoon din ang mga spillway, sea walls, box culverts, pathway at roofing.

Nag instala rin ang pamahalaang lungsod ng mga streetlights sa barangay 18, barangay 5 at Philippine Science High School para mapangalagaan ang katahimikan ng lugar. (PIO Batangas City)