Mga estudyante lumahok sa patimpalak tungkol sa kalikasan ng City ENRO

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

Batangas City-Sa pamamagitan ng awit, sayaw at short film, ipinakita ng mga estudyante ang kahulugan ng pangangalaga sa kalikasan sa isinagawang patimpalak ng City Environment and Natural Resources Office kaugnay ng pagdiriwang ng National Environmental Awareness Month 2018 at ng taunang Pista ng Kalikasan.

Ang mga group performances sa 2018 Himig Kalikasan, Makakalikasang Sayaw at Sinekasan ay orihinal na komposisyon at produksyon at base sa temang “Kabataang Batangueño, Reponsable, Aktibo, Disiplinado! Para sa Kalikasan!

Sa Himig Kalikasan, nanalo ng first place ang Lyceum of the Philippines University-Batangas High School Department na nag-uwi ng cash prize na P15,000, trophy at medals, second ang Talumpok Nationalo High School at third ang Sto. Niño National High School. Ang mga hindi nanalo ay tumanggap ng consolation prize na 3,000 at certificate.

Sa Makakalikasang Sayaw na nilahukan ng mga elementary students, nanalo ng first place ang Julian A. Pastor Memorial Elementary School (JAPMES) na tumanggap ng 20,000, trophy, medals at certificate, second place ang Simlong Elementary School at third place ang University of Batangas. Ang mga hindi nagwagi ay tumnggap din ng consolation prize na 5,000 at certificate.

Nanalong best film sa Sinekasan ang “Piraso” ng Lyceum of the Philippines na humakot ng maraming awards at tumanggap ng P15,000, trophy at certificate.. Ang iba pang awards na natanggap nila ay Si Henry Burgos naman na isang kilalang film maker ang naging judge para sa Sinekasan na magbibigay ng workshop tungkol sa film making para sa mga kalahok ng sinekasan. Mula sa senior high school at college ang mga kalahok sa Sinekasan.

Nanalong Best Poster 3rd prize ang film na “Desisyon” ng Conde Labac Senior High School na mag uuwi ng 1,000 at trophy. Best Poster 2nd prize: “Ragahasa” ng Gulod Senior High School na may 2,000 at trophy. Best Poster Champion:” Simoy ng Hangin” ng Pinamucan National High School na may 3,000 at trophy, Nakuha din nila ang Special Award na Audience Prize na may 5,000 at trophy. Ang Best Actress ay mula sa “RAGAHASA” ng Gulod Senior High School na si Khem Rose N. Amar at ang Best Actor naman ay mula sa “Bundok” ng Talumpok National High School na si Keith Ammuel De Torres. Humakot naman ng award ang Lyceum of the Philippines University-Batangas sa kanilang entry na “Piraso” na nag uwi ng mga sumusunod na awards: Best screen play: Julia Castillote; Best editing: Ryan Miguel Capili; Best cinematography: Godwin Panaligan; Best production design: Alexis Bagot; Best Director: Erlynne Abbie Mendoza & Elvis Jay Dote sila ng 1,000, trophy at certificate. Nakuha din ng LPU ang Special award na Best ensemble acting at tumanggap din sila ng 5,000 at trophy sila rin ang nagwagi sa Best Film na nag uwi ng 15,000, trophy at certificate.

Ang judge na si Henry Burgos na isang kilalang film maker ay magbibigat ng workshop sa fillm making sa mga lumahok sa Sinekasan. (PIO Batangas City)