Gardening sa paaralan muling pinalalakas ng Dep Ed

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

BATANGAS CITY- Isinusulong ngayon ng Dept. of Education, Batangas City Schools Division ang School Inside Garden Project (SIGA) upang palakasin muli ang pagtatanim ng mga punong kahoy at gulay sa mga paaralan .

Ayon sa DepEd, ang project SIGA ay may dalawang bahagi- ang Gulayan sa Paaralan na nagsimula noong 2007 at “School Inside Garden” na sinimulan noong 1995 ng dating tinatawag na Dept. of Education, Culture and Sports (DECS).

Kung kulang sa espasyong pwedeng pagtaniman, itinuturo ng Dep Ed ang hydroponics gardening o paghahalaman ng hindi kailangang gumamit ng lupa, vertical gardening at iba pang “innovative ways” ng paghahalaman sapagkat dito rin kinukuha ang mga niluluto para sa kanilang feeding program.

Sinabi ni Asst. Schools Division Superintendent Dr. Felizardo Bolanos na ang isa pang component nitong project SIGA ay ang pagtatanim ng mga indigenous at endemic trees at plants. Aniya, iilan na lamang ang mga halaman at punong nagpapaganda sa mga eskwelahan kaya patuloy pinalalakas ang pagtatanim ng mga fruit- bearing trees tulad ng mangga, kalamansi, rambutan at mga puno tulad ng mahogany at iba pa..

Samantala,sa ilalim naman ng Saligan 2022+ Mga Adhikain sa Mapagpalayang Edukasyon ng DepEd, pinapalakas ang core values, nation of heroes thrust at pagmamahal sa kultura at sining. Binibigyang diin din ang kahalagahan ng pagiging makaDiyos, makabansa, makatao at makakalikasan na sinuplementahan ng programa ng pamahalaang lungsod na Eto Batangueno Displinado; Magkatuwang Tayo”na inilunsad noong January 8, 2020.

Bilang public servants, tuturuan din ang faculty at iba pang school personnel ng tamang work attitude at behaviour. (PIO Batangas City )