Grade 6 students nagtapos sa Drug Abuse Resistance Education program

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nagtapos ng 10-module sessions ng Drug Abuse Resistance Education o D.A.R.E program ng Batangas City Police ang 226 na mag-aaral ng Grade 6 ng Sta. Clara Elementary School .

Sa graduation ceremony sa nasabing paaralan, March 2, kinilala rito ang naging aktibong partipasyon ng mga bata sa nasabing programa. Nagbigay ng mga special awards/medals ang Batangas City Police Station para sa mga batang nanguna sa kanilang klase tulad nina Gayle Giada Fajutag, VI-Honesty; Angielyn Mae Almirolng, VI-Charity; Mia Precila Fontanilla, Jeancel Mae M. Asing , VI-Purity; John Mark Mendoza, VI-Sincerity; at Hilary Rose Familangco, VI-Loyalty.

Ginawaran din ng medalya ang mga napiling D.A.R.E Kid Word Wizard, Most Behaved in Class at Most Active in Class.
Dumalo sa okasyong ito si PCol Michael Sevillano, Chief, Regional Community Affairs and Development Division, PRO4-A bilang kinatawan ni PNP Regional Director, PBGEN Vicente Danao Jr.

Binati ni PCol Sevillano ang mga batang nagtapos at pinasalamatan ang mga guro sa pakikiisa at suporta nila sa D.A.R.E program. Inihatid din niya ang mensahe ni PBGen Danao Jr., na tandaan ang lahat ng natutunan at isapuso ang “No to Drugs, Yes to GOD!” at ang No to Drugs, Yes to Sports”.

Katuwang sa gawaing ito ng Batangas City Police sa pangunguna ni City PNP Chief, PLTCol Julius Anonuevo ang Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Education at Association of Barangay Captains (ABC).

Nakatakda namang ilunsad ang D.A.R.E program sa Julian A. Pastor Memorial School (JAPMES) sa Agosto. (PIO—Batangas City)