Barangay ordinance kontra sa rabies ipinapanukala

  1.jpg

Dalawang barangay sa Batangas City ang nagpapanukala ng saril nilang ordinansa laban sa rabies bilang suporta sa city ordinance at national law na The Anti Rabies Act.

Naging bahagi ng agenda ng regular session ng Sangguniang Panlungsod noong March 3, ang ordinansang pambarangay ng Mahabang DAhilig at Pagkilatan na may pamagat na “Ordinansang Nagtatatag ng Barangay Rabies Control Coordinating Committee, Nag-aatas ng Lahatang Pagpapatala at Pagbabakuna, Pagtatali ng mga Aso, Pagkontrol sa mga Walang Bakuna, Maysakit at Palaboy o Pawalang Aso sa Sakop ng Barangay”.

Nakapaloob din sa panukalang ordinansa na dapat pabakunahan ang mga alagang hayop mula ikatlong buwan ng kapanganakan at sa bawat taon pagkatapos. Huwag hayaang gumala ang mga alagang hayop sa kalsada, paliguan at bigyan ng malinis na pagkain at siguraduhing malinis ang tinutulugan ng mga ito.

Samantala, sa pagsapit ng tag-araw simula ngayong Marso, nagiging madami ang kaso ng rabies kung kayat pinapayuhan ang lahat ng mga may-ari ng aso na paba kunahan ang kanilang mga aso , alagaan ang mga ito ng maayos at huwag pabayaang gumala sa labas ng bakuran. Kapag ang asong gala ay nakakagat ng isang tao, ang may-ari ang siyang responsable sa pagpapagamot ng nakagat ayon sa batas.
(PIO Batangas City)