TINGNI: Sumailalim sa dalawang araw na seminar ang 80 Child Development Workers (CDW) sa lungsod hinggil sa Capability Development for Children & Youth Program

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: Sumailalim sa dalawang araw na seminar ang 80 Child Development Workers (CDW) sa lungsod hinggil sa Capability Development for Children & Youth Program noong September 27-28.

Ang mga participants ay mula sa ibat-ibang Child Development Centers (CDC) kabilang ang mga kinatawan ng private learning centers sa Batangas City.

Layunin ng nasabing seminar na may temang “Ang Puso ng Child Development Worker ay Puso Para sa Lahat” na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga CDW’s tungkol sa tamang paraan ng paggabay sa mga batang lansangan at nasa crisis situation.
Ipinabatid ni OIC City Social Welfare and Development (CSWD) Officer Hiyasmin Candava ang sitwasyon ng mga batang malimit ay nasa lansangan (Children in Street Situation).

Binigyang diin niya na may mga intervention programs ang kanilang tanggapan upang mapangalagaan ang kalusugan at mabigyan ng proteksyon ang mga ito.

Tinuruan ang mga participants ng iba pang alternative mode of learning delivery upang mas mapapalawak pa ang kasanayan sa kanilang pagtuturo.

Tinalakay naman ni Daycare Worker II Lorena Rosales ang ECCD checklist na siyang ginagamit ng mga guro at magulang upang malaman kung sapat ba o nasa pagkaantala ang pag-unlad ng isang bata.

Naging katuwang ng CSWDO sa pangangasiwa sa seminar ang City Council for the Protection of Children (CCPC). (PIO Batangas City)