TINGNI: Nakapasa sa Licensure Examination for Social Workers noong September 25 si Ijale Rebadio, ang kauna-unahang myembro ng sama-bajau na residente ng Batangas City.

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

 

TINGNI: Nakapasa sa Licensure Examination for Social Workers noong September 25 si Ijale Rebadio, ang kauna-unahang myembro ng sama-bajau na residente ng Batangas City.
Siya ay 23 taong gulang mula sa barangay Malitam at beneficiary ng EBD Scholarship Program at Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Nagtapos siya ng Bachelor Degree in Social Work sa Saint Bridget College.
Ayon kay Rebadio, mapalad siya na maging isang EBD scholar at benipisyaryo ng 4Ps dahil ito aniya ang nagsilbing daan upang makatapos siya ng pag-aaral.
Ang cash grant aniya na natatanggap ng kanilang pamilya ang tumugon sa kanilang mga pangangailangan.

Binigyang diin niya na bilang bahagi ng Indigenous People (IP) sector na Sama-Bajau, nabigyan sila ng pagkakataon na makasama sa mga programa ng local at national government.
Naging motibasyon niya sa pagkuha ng nabanggit na kurso ang hangaring tumulong sa kapwa niya sama-bajau.

“Nais kong maging magandang halimbawa sa mga kabataang Sama-Bajau upang sila din ay makapagtapos ng pag-aaral upang magkaroon ng magandang kinabukasan” sabi ni Rebadio.
Lubos ang kanyang pasasalamat sa pamahalaang lungsod sa tagumpay na kanyang nakamit.
Nagpahayag naman ng kasiyahan at labis na ipinagmamalaki ng Sama-Bajau community sa lungsod si Ijaile. (PIO Batangas City)
.