Mga bagong SK officials sa lungsod, nanumpa na sa tungkulin

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Pormal nang nanumpa sa tungkulin ang 830 Sangguniang Kabataan (SK) officials mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod sa harap ni Mayor Beverley Dimacuha noong November 12.
Kabilang dito ang mga bagong halal na SK Chairpersons at SK councilors.
Hiniling ni Mayor Dimacuha sa mga SK officials na isapuso, isaisip at isagawa ang nakasaad sa panunumpa.

Isinagawa ang oathtaking matapos silang dumalo sa SK Mandatory training alinsunod sa Republic Act 10742 o ang An Act Establishing Reforms in the Sangguniang kabataan Creating Enabling Mechanisms for Meaningful Youth Participation in Nation Building na idinaos sa Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB).

Kabilang sa mga paksang tinalakay sa naturang training ay ang Decentralization and Local Governance, SK History and Salient Features, Meeting and Resolutions, Planning and Budgeting.
Ilan sa mga naging resource speakers sina City DILG Director, Esther Dator, SP Secretary, Atty. Olive Telegatos, City Budget Officer, Manolo Perlada, OIC City Treasurer Armi Madayag, Executive Asst., Allan Cantre, Sk Federation President, Marjorie Manalo, dating CCYA head, Glecy Clet, at ibang barangay at youth leaders.

Ang gawaing nabanggit ay pinamahalaan ng Local Youth Development Office (LYDO).
Magsisimula ang panunungkulan ng mga bagong SK officials sa November 13. (PIO Batangas City)