- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Collaborative Planning Workshop para sa Batangas City's Economic Development at Investment ,isinagawa.
- Details
- Thursday, 27 June 2024 - 10:00:00 AM
Nagsagawa ng Collaborative Planning Workshop para sa Batangas City's Economic Development at Investment ang USAID noong June 25 at 26 sa Hotel Pontefino. Sa pamamagitan ng Urban Connect Activity ng USAID, inaasahang higit na maiisulong ang kaunlaran ng ekonomiya ng lungsod.
Tinalakay sa naturang workshop ang mga hakbang sa gagawing reorganization at action planning for MSME Development Council.
Layunin nito na magkaroon ng mas inclusive at diverse na samahan ng mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa lungsod upang masiguro ang kanilang paglago na magcocontribute sa pag-unlad ng lokal na ekonomiya.
Sa naturang okasyon, nagbigay ng suhestyon ang mga participants mula sa pribadong sektor hinggil sa pag-update ng Local Investment Incentives Code.
Ang inisyatibong ito ay upang gawing mas kaakit-akit ang lungsod sa mga potential investors.
Nakabuo din ng mga stratehiya upang mapabuti ang Night Time Economy ng lungsod upang mapalakas ang turismo at mga lokal na negosyo.
Binigyang diin ni City Administrator Engr. Sonny Godoy na mahalaga ang papel na gagampanan ng Local Economic and Investment Promotions Office (LEIPO) sa ikapagtatagumpay ng plano at layunin ng nasabing workshop.
Nagpaabot ng mensahe si Mayor Beverley Dimacuha sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Secretary to the City Mayor Atty. RD Dimacuha.
Lumahok sa talakayan si City Councilor Nestor "Boy" Dimacuha na syang Chairman ng Committee on Trade, Commerce and Industry.
Dumalo rin sa naturang gawain ang kinatawan ng DOST, DTI at mga financing institutions na magpapahiram ng puhunan sa mga nangangailangang MSMEs.
Nagsilbing guest speakers sina Dr. Carmel Matabang mula sa National Economic And Development Authority (NEDA) CALABARZON at Director II ng Domestic Investments Promotion Service ng Board of Investments na si Maria Rosario Jotie-Dominguez.
#PalakatBatangasCity #PIObatangascity #EtoBatangueñoDisiplinado #EBDMagkatuwangTayo
Latest News
- Fire Square Road Show, itinaguyod ng Bureau of Fire Protection (BFP) Batangas City
- Tinanghal na That's My Boy – Outstanding KAB Scout si Christian Kyle Guevarra ng District 6
- Shell Pilipinas Corporation culminated the rolling out of the Master of Disaster (MOD) program in Batangas City at the Schools Division Office (SDO) last September 6
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.