- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
PSA, muling magsasagawa ng POPCEN at CBMS sa Batangas City
- Details
- Wednesday, 26 June 2024 - 11:00:00 AM
Muling magsasagawa ng Population Census (POPCEN) at Community-Based Monitoring System (CBMS) ang Philippine Statistics Authority (PSA) at ang pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng City Planning and Development Office (CPDO) sa lahat ng kabahayan sa Batangas City simula July 15.
Ito ay ang organisadong pagkalap at pangngolekta ng mga de-kalidad, makatotohanan at napapanahong datos na siyang magiging basehan sa pagbabalangkas at pagpaplano ng mga programa at proyekto ng pamahalaang lokal para sa mga mamamayan.
Kabilang sa mga kinakailangang data ang antas ng edukasyon, kalusugan, hanapbuhay, o demographic at socio-economic status ng isang kabayahan.
Gayundin ang bilang ng mga gusali, housing units, households at institutional living quarters at ang data ukol sa demographic characteristics ng institutional population.
Ang lahat ng makakalap na data ay “confidential” at gagamitin lamang sa naturang layunin.
Nakipag-ugnayan ang PSA sa Public Employment Service Office (PESO) ng lungsod upang makahikayat ng mga aplikante na magsisilbing mga enumerators.
Ang bawat isang enumerator ay tatanggap ng halagang P504.00 at P80.00 transportation allowance sa kada araw.
Ang mga ito ay gagamit ng tablet sa pagsasagawa ng census na naka -disenyo para lamang dito.
Kaugnay nito, nakatakdang sumailalim sa pagsasanay ang mga enumerators sa July 8-13.
Isasagawa ang POPCEN at CBMS sa loob ng 55 araw at inaasahang matatapos sa Setyembre 15.
Nagkaroon ng pagpupulong ang mga kinatawan ng PSA at City CBMS Coordination Board noong June 25 hinggil sa mga paghahandang gagawin upang masiguro ang tagumpay ng nasabing gawain.
Hiniling ni Mayor Beverley Dimacuha na mapalawig ang information dissemination campaign ukol dito para mahikayat ang kooperasyon ng mga taga lungsod sa naturang census. (PIO Batangas City)
Latest News
- Fire Square Road Show, itinaguyod ng Bureau of Fire Protection (BFP) Batangas City
- Tinanghal na That's My Boy – Outstanding KAB Scout si Christian Kyle Guevarra ng District 6
- Shell Pilipinas Corporation culminated the rolling out of the Master of Disaster (MOD) program in Batangas City at the Schools Division Office (SDO) last September 6
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.