Batang PBA Opening

news-70-01.jpg news-70-02.jpg news-70-03.jpg news-70-04.jpg news-70-05.jpg news-70-06.jpg

Anim na koponan mula sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa lalawigan ng Batangas ang lumahok sa Batang PBA sa Batangas City Sports Center noong ika-06 ng Mayo. Ang naturang torneo ay sa pakikipagtulungan ng Cloudphone at ng pamahalaang lungsod ng Batangas bilang host city.

Ayon kay Glecy Clet, sports coordinator ng lungsod, nakipagtulungan ang lungsod sa Philippine Basketball Association(PBA) sa layuning makabuo ng isang grupo ng kabataang may edad 13-16 nataong gulang na maaaring kumatawan sa lungsod sa isasagawang liga ng Batang PBA sa buong bansa.

Layunin din aniya ng torneo na i-promote sa mga kabatan ang healthy living, sportsmanship, ang pagiging patas at fair sa laban at ang camaraderie na dapat maging simbolo ng isang atletang Batangueño.

Ayon sa format ng liga, anim na bayan ang maglalaban-laban para sa provincial title. Ang magiging kampeon ang kakatawan sa probinsiya ng Batangas sa regional level at kung papalarin, maging sa national level ng kompetisyon.

Ang anim na bayan at lungsod ay kinabibilangan ng Batangas City A at B, Tanauan City, Bauan, San Jose at Calaca.

Ang naturang liga ay matatapos sa May 18 sa Batangas City Sports Coliseum.

Nanawagan din si Clet sa mapipiling mga players na pagbutihan ang paglalaro ng basketball at nakahanda aniyang sumuporta ang Lungsod ng Batangas upang balang-araw ay magkaroon ng mga Batangueñong manlalaro sa PBA.

 

Sa kanyang muling pagbabalik, ganap ng hepe ng Batangas City Police si Police Supt. Danilo Mendoza ng siya ay umupo noong gabi ng January 9, ilang oras bago ipatupad ang ban ng Commission on Elections sa transfer o movement ng mga officers at employees sa civil service tuwing election period.