- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Sinaunang Flores de Mayo, Binuhay sa Batangas City
- Details
- Monday, 30 May 2016 - 12:00:00 AM
Bukod sa mga Flores de Mayo na ginaganap sa bawat barangay ng Batangas City, nagdaos din ng Alay Pasasalamat kay Maria ng Lungsod ng Batangas 2016, Isang Triduum sa Karangalan ng Mahal na Ina noong May 27-29.
Ito ay sa pangangasiwa ng City Cultural Affairs Committee ng Pamahalaang Lungsod hindi lamang bilang isang relihiyosong pagpupugay sa Birheng Maria kundi bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Filipino Heritage Month.
Noong unang araw, nagkaroon ng prusisyon sa Tuklong ng Barangay 2 patungong Plaza Mabini Amphitheatre kung saan ginanap ang Flores de Mayo bandang 5:30 ng hapon. Ito ay binubuo ng pagdarasal at pag-awit ng mga papuri sa Birheng Maria ng mga matatandang may mahaba ng karanasan sa gawaing ito at ang pag-aalay ng bulaklak ng mga kabataan sa kanyang imahe. Pagkatapos nito ay ang Pamamaalam sa Mahal na Birhen at ang prusisyon patungo sa Barangay Uno. Nagsilbing Hermano at Hermana sina G. Ed Borbon at ang iba pang miyembro ng City Cultural Affairs Committee.
Noong ikalawang araw, nagkaroon muli ng prusisyon mula sa Tuklong ng Brgy. Uno papuntang plaza para sa Flores de Mayo kung saan naging Hermano at Hermana sina G. Deo ang Gng. Ruby Fajardo. Ito ay ngtapos sa isang prusisyon patungong Gusaling Pamahalaang Pang-Lungsod.
Isang tradisyunal na Santacruzan ang isinagawa noong 5:00 ng hapon sa ikatlong araw kung saan ito ay nagsimula sa St. Bridget College. Nanguna sa Sta. Cruzan ang mga nagdasal ng rosaryo lulan ng sasakyan na may public address system. Kasunod nito ang mga Sagala na may hawak na mga letrang balot ng mga bulaklak at bumubuo ng salitang Ave Maria. Kasunod nito ang Andas ng Birhen Mediatrix of All Grace kasunod ang Banderadas, si Methusala, Dalagang Bukid, La Divina Pastora, mga reyna- suot ang tradisyunal na kasuotan sa halip na magagarang gowns na ginagamit sa kasalukuyang panahon- at iba pang karakter. Kasama rin dito ang mga Sagala ng dala ang mga bagay na may koneksyon sa Pasyon at Kamatayan ni Hesukristo kagaya ng Dice, Supot ni Hudas, Manok ni San Pedro, Sibat, 3 Pirasong Pako, INRI at Koronang Tinik.
Narito rin ang Karosa ng Mahal ng Poong Sta. Cruz at ang sentro ng Santacruzan, ang Karosa ng Mahal na Birhen ng Dolorosa. Habang ginaganap ang prusisyon, tumutugtug naman ang EBD Mini Band.
Nagsilbing Hermano at Hermana sa huling araw sina Secretary to the Mayor, Atty. Victor Reginald Dimacuha kasama ang Team EBD sa pangunguna nina Congressman-elect Marvey Mariño at Mayor-elect Beverley Dimacuha, Board Members-elect Claudette Ambida at Arthur Blanco.
Pinangunahan ni Rdo. P. Aurelio Dimaapi ang Pamamaalam sa Birhen at Salve Regina. (Alvin M. Remo, PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.