KAALAMAN SA COSMETOLOGY, MARAMING BENEPISYO

  cosmetology1.jpg cosmetology2.jpg cosmetology3.jpg cosmetology4.jpg cosmetology5.jpg cosmetology6.jpg

Para sa OFW na si Maritess Mendoza ng Barangay Tingga Labac, magagamit niya ang kanyang natutunan sa cosmetology training ng Office of the City Veterinary and Agriucultural Services(OCVAS) upang makapagtayo ng sariling beauty parlor sa ibang bansa.

Isa lamang si Mendoza sa mga lumahok sa pagsasanay na ito ng OCVAS upang magkaroon ng kaalaman na magbibigay sa kanya ng hanapbuhay. Bukod sa pagsasanay na ito, balak pa rin niyang magsanay sa TESDA upang madagdagan pa ang kanyang kaalaman at makakuha ng certification dito.

Para sa mga kababaihan , mahalaga ang magmukhang maganda o kaaya aya mula paa hanggang ulo kaya malimit sila sa mga beauty parlors. Malaking tulong anila ang kanilang mga natutunan sa cosmetology upang magamit nila ito sa kanilang sarili at mabawasan ang gastos sa mga parlors.

Nagsilbing trainor sa dalawang araw na pagsasanay sina Malou Caparal at Jason Cabalquinto ng Stella Salon.

Ang mga participants ay tinuruan ng hair cutting, hair coloring, hair straightening, rebonding at iba pa. Mayroon ding manicure, pedicure, hair styling at make-up.

Plano naman ng 21 taong gulang na residente ng barangay Kumintang Ibaba na si Jeremy Manojo na magtrabaho sa isang barbershop sa lungsod kung kaya siya dumalo sa naturang pagsasanay. Mag-iipon aniya siya at mula sa kanyang kikitain dito ay ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral. (PIO Batangas City)