- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
SILYA para sa mga matatanda, inilunsad sa SM City Batangas
- Details
- Wednesday, 12 July 2017 - 11:35:00 AM
Kung mayroong bago ngayon sa SM City Batangas, ito ay ang dalawang rocking chairs sa may bagong food hallway upang may komportableng upuan at pahingahan ang mga matanda kaloob ng isang taong may advocacy ng pagmamalasakit sa mga matatanda.
Ang taong nasa likod ng donasyong ito ay si Mr. Tito Alcala na galing sa family ng artists at tiyo si Larry Alcala, ang Father of Philippine Cartoons.
“To thank, honor and inspire” ang misyon ni Tito Alcala, isang professor sa UST College of Fine Arts at retired advertising agency president, sa pagsusulong ng kanyang adbokasiya para sa mga katatandaan sa bansa. Sa kanyang retirement noong 2012, inilunsad niya ang kanyang proyektong SILYA na tumatayo sa Sa Iyo Lolo at Lola Yantok aming Alay.
Sa kanyang sariling kakayanan ay nagbibigay siya ng mga rocking chairs para sa mga lugar na malimit puntahan ng mga matatanda.
“SILYA is a unique and urgent care of the elderly through rocking chairs, so this is the way of my paying back sa aking mga magulang na 87 at 88 taon na,” sabi ni Alcala.
Ayon sa kanya, walang sapat na batas sa mga public places para sa appropriate seating facilities para sa mga matatanda kung kayat naisipan niya na magkaloob ng upuan para sa sector na ito.
Mula noong 2012, may 500 silya na ang kanyang nai-donate sa ibat-ibang lugar sa bansa kabilang na ang Baguio at Cagayan De Oro. Sa Naga City airport aniya siya unang nagbigay ng rocking chairs na maaaring magamit na pahingahan ng mga matatanda habang naghihintay.
Sa kasalukuyan, mayroong SILYA sa may 20 SM malls sa bansa kung kayat lubos ang pasasalamat niya sa pamunuan ng SM sa pagkakaloob nito ng lugar para sa kanyang adbokasiya.
Sa SM City Batangas, isinagawa ang turn over ceremony ng SILYA noong ika-10 ng Hulyo sa pangunguna mismo ni Alcala.
Idinagdag pa ni Alcala na magsisilbing paalala sa mga kabataan ang naturang rocking chairs upang hindi makalimutan ang mga mabubuting aral na kanilang itinuro at magsilbi silang inspirasyon upang maging mabuting tao sa hinaharap. Sinabi pa niya na ang pag-aalaga sa mga matatanda ay isang unique Filipino tradition na maaaring ipagmalaki at nararapat tularan. Ang mga matatanda aniya ang tunay na kayamanan na dapat pahalagahan at pangalagaan.
Nakiisa sa nasabing okasyon si Fr Noni Dolor kung saan sa kanya idinedicate ni Alcala ang isa sa mga silya bilang tanda ng kanilang pagkakaibigan. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.