- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City Environmental Code tema ng patimpalak sa sabayang pagbigkas
- Details
- Friday, 14 July 2017 - 4:35:06 PM
Muling binigyan ng puwang ang environmental awareness sa pagdiriwang ng 48th Foundation Anniversary ng Batangas City sa pamamagitan ng Makakalikasang Sabayang Pagbigkas na isang patimpalak ng City Environment and Natural Resources Office para sa mga public elementary schools.
Ang pyesa ng patimpalak ay E-Code- Luntiang Lungsod ng Batangas, Hiyaw, Hataw!” sa panulat ni Tina Sunguad, isang kawani ng CENRO.
Ayon sa hepe ng City ENRO na si Oliver Gonzales, isang paraan ang ganitong patimpalak upang lumawak ang kaalaman ng mga bata sa kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan.
Ito ay nilahukan ng 12 grupo ng mga grades 5 at 6 students kung saan naging kampeon ang mga mag-aaral ng Balete Relocation Site Elementary School, pumangalawa ang Bolbok Elem. School at ikatlo naman ang Batangas City East ElementarySchool. Sila ay tumanggap ng cash prize na 10,000, P7,000 at P5,000.
Naging batayan sa pagpili ng mga nagwagi ay ang husay sa mainterpretasyong paggalaw at pagbigkas, kaliwanagan sa pagbigkas, presensya sa entablado, at dating sa manonood. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.