- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Employees Day mas pinasaya!
- Details
- Tuesday, 25 July 2017 - 9:00:00 AM
BATANGAS CITY- Mas masaya ang Employees Day ng pamahalaang lungsod ngayong taon na tinaguriang “Mga Kawani Karibok, Kasiyahang Patok, Umaasbok” dahilan sa bagong pa contest nito kung saan bumida ang mga matatabang kawani sa Bb. Bigatin 2017.
Tinanghal na Bb. Bigatin 2017 si Dr Pamela Christina Parole ng City Health Office (CHO). Siya ay tumanggap ng premyong P 10,000 cash, trophy, overnight accommodation for two sa Batangas Country Club, Romy’s pork lechon at gift certificate of free lipo slim at facial with diamond peel sa Aesthetic Clinic. Siya din ang nagwagi ng special prize bilang Best in Long Gown at Best in Production Number.
Nagwaging 1st runner- up si Rancelle Marie Manimtim ng Sangguniang Panglungsod at 2nd runner- up naman ang kinatawan ng General Services Department na si Grace Rosal. Napiling Best in Talent si Princess Mae Bacuno ng City Treasurer’s Office.
Bago simulan ang selebrasyon, isang misa pasasalamat ang isinagawa sa pangunguna ni Msgr. Boy Oriondo.
Ilan sa mga palaro na nilahukan ng mga kawani ang fried chicken eating contest, bato-bato pick, Pasa-Piso at Itanong Mo kay Bes na tulad ng mechanics ng sikat na laro ng ABS CBN na Family Feud.
Exciting din ang raffle kung saan kabilang sa mga major prizes ang cash prize na P 25,000, P 10,000, P 5,000, P 3,000 at P 1,000 mula kay Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino. Mayroon ding 49-inch led TV, refrigerators, microwave oven, air cooler, washing machines at iba pang appliances . Ang mga minor prizes naman ay mga bigas, electric fan, gas stove at iba pa.
Hindi naman nagpahuli sa pagpapatawa ang mga naging emcees na sina Noel Silang, hepe ng Public Enployment and Service Office at Aiza Guadez ng GSD.
Tampok sa naturang okasyon ang pagbibigay tribute sa 19 na retirees na edad 65 ngayong taon. Tumanggap sila ng P 6,500 bawat isa.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Congressman Marvey Marino mahalaga ang dangal ng mga empleyado at kung maaari ay higit pa itong maiangat at mapangalagaan.
Pinuri ni Mayor Beverley Dimacuha ang lahat ng kawani at sinabing “We should always strive to be the best”. Ngiti at pasasalamat aniya ng mga pinaglilingkuran ang tunay na sukatan ng pagiging epektibo sa pagseserbisyo publiko. Pinaalalahanan din niya ang lahat na palaging magsilbi ng may paggalang at malasakit sa kapwa. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.