- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Benta ng manok sa palengke bumaba dahil sa takot sa bird flu
- Details
- Friday, 18 August 2017 - 10:56:56 AM
Dumadaing na rin ang mga nagtitinda ng manok sa palengke sa pagbaba ng kanilang benta bunga ng takot ng mga tao ngayon na kumain ng manok dahil sa bird flu. Sinabi ng OIC ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services(OCVAS) na si Dr. Macario Hornilla na “hindi apektado ang ating lugar kayat huwag kayong matakot bumili, safe pa rin kumain ng manok.” .
Sa pinakahuling update, wala pa ni isang kontaminasyon sa tao na naitala ang Department of Health (DOH) kung kayat ligtas pa aniyang kumain ng manok at itlog.
Simula ng mabalita ang outbreak ng avian flu sa Pampanga, agad nagsagawa ng masusing inspection at monitoring ang OCVAS kasama na dito ang mga palengke kung saan naipaabot sa kanila ng mga magtitinda ng manok ang pagtumal ng kanilang benta.
Magkakaroon ng pagpupulong ang OCVAS at ang mga magtitinda ng manok at poultry raisers upang matugunan ang kanilang problema.
Ipinabatid din ni Dr. Hornilla na maglalagay ng checkpoints at quarantine areas ang pamahalaang lalawigan sa iba’t ibang bayan upang maseguro na hindi makakapasok ang avian virus.
Ang ganitong klase ng virus ay kadalasang hindi nakakaapekto sa tao. Ang halimbawa ng mga nakakaapekto sa tao ay yuong H5N1 at H9N2 na naibalita sa Hong Kong at ibang panig ng mundo.
Ang bird flu sa tao ay nagdudulot ng impeksyon sa mata, mga sintomas na mala-trangkaso (tulad ng lagnat, ubo, sakit sa lalamunan at sakit sa kalamnan) o impeksyon sa dibdib. Ang mga tipo na mas malala (tulad ng virus na H5N1) ay maaring magdulot ng mas delikadong sakit at maging kamatayan.
Ayon kay Dr. Hornilla, may mga gamot na panlaban sa virus na maaring gamitin para labanan ang impeksyon, ngunit kinakailangan ng ibayong pag-iingat at ang matibay na resistensya.
Ang mga nag-aalaga ng manok, o anumang ibon ang may pinakamataas na posibilidad ng pagkakasakit. Gayundin ang mga taong kumakain ng karne ng manok at itlog na hindi nahugasan at naluto nang husto sa mga lugar na napapabalitang may kaso ng bird flu.
Ang mga tao, kadalasan, ay nakakakuha ng bird flu sa pamamagitan ng pagigiging malapit sa mga ibon at manok (buhay o patay) at kanilang dumi na may dalang impeksyon. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.