- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Fluvial procession ng Sto. Niño muling dinagsa ng mga deboto
- Details
- Friday, 05 January 2018 - 7:49:46 PM
BATANGAS CITY Isang paraan ng pagpapakita ng malaking pananampalataya ng mga deboto ng Mahal na Patrong Sto Nino ang taunang pagdaraos ng fluvial procession ng Sto. Nino sa Calumpang River.
Ito ay isang religious activity na idinadaos tuwing simula ng nobena ng kanyang kapistahan tuwing ika-16 ng Enero.
Noong ika-5 ng Enero, bandang ala una ng hapon nang sunduin ang imahe ng Sto. Niño sa Basilica of the Immaculate Conception nina Mayor Beverley Rose Dimacuha at Congressman Marvey Marino.
Habang dumadaan sa may Julian A. Pastor Memorial Elementary School o JAPMES, nagwagayway ng mga banderitas ang mga eskwela bilang pagpupugay sa Sto. Niño.
Tumuloy ang motorcade patungong Batangas City Convention Center kasama sina Father Aurelio Dimaapi, parish priest ng Basilica, Fr. Gerard Macalinao at iba pang lay ministers kung saan idinaos ang Alay sa Sto. Niño Cultural Presentations. Nagtanghal dito ng production numbers ang 13 lumahok na paaralan sa temang “Alay sa Sto. Niñong Mahal: Ating Tagumpay”.
Ang mga ito ay ang Marian Learning Center and Science Highschool, Colegio ng Lungsod ng Batangas, Lyceum of the Philippines University-Batangas, Casa Del Bambino Emmanuel Montessori, University of Batangas, Golden Gate Colleges, Batangas State University, Westmead International School, Sunhill Montessori Casa, Divine Child Academy, BANAHIS, Saint Bridget College at Cristo Rey Institute for Career Development.
Pagkatapos ng cultural presentations, ipinagpatuloy ang motorcade ng Sto. Nino papuntang Barangay Cuta Duluhan kung saan nag-aabang ang mga residente dito. Isinakay ang imahe sa decorated banca kasama sina Mayor Dimacuha, Cong. Mariño ilang mga city councilors at department heads.
Sa buong panahon ng fluvial procession, patuloy ang pagdadasal ng dalit sa Mahal na Patrong Sto Nino.
Matiyaga namang naghintay ang maraming deboto sa tulay ng Calumpang sa pagdating ng grupo nina Mayor Dimacuha.
Sinalubong ng mga fireworks ang pagdating ng prusisyon ng mga bangka. Matapos umahon ang grupo ni Mayor Dimacuha at ibang deboto sa Calumpang bridge, sinimulan naman ang prusisyon patungong simbahan.
Ayon kay Fr Dimaapi, lubos ang kanyang kasiyahan sa ipinapakitang debosyon ng mga Batangueno sa Sto Nino. “Ito ay pagpapatunay ng kanilang pamimintuho, pananalig at pag-asa sa Panginoong Diyos.”
Sinabi din niya na bahagi na ng buhay ng mga taga lungsod ang naturang debosyon na nagsisilbi nilang sandigan sa pagdulog sa kanilang mga pangangailangan. Inanyayahan niya ang lahat na patuloy na makiisa sa makabuluhan at makasaysayang gawaing ito at nawa aniya ay lalong sumigla ang pananampalataya ng mga Batangueno.
Ayon kina Gng. Asi ng barangay Tulo (7 taon nang deboto) at Gng Digna Macatangay ng Conde Labac (15 taon nang deboto), lubos ang kanilang pasasalamat sa paggabay ng Sto Nino dahil sa pagkakaloob ng kanilang mga panalangin at kahilingan tulad ng pagtatapos ng pag-aaral ng kanilang mga anak at pagkakaroon ng maayos na trabaho ng mga ito.
Makikita ang iba’t ibang imahen ng Sto. Niño sa labas ng mga bahay sa poblacion habang dumadaan ang prusisyon.
Pagdating ng simbahan, muling sinalubong ang prusisyon ng isang magarbong fireworks na nagbigay kasiyahan sa mga tao. Nagtapos ang religious activity sa pamamagitan ng isang Banal na Misa. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.