- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
2,771 kandidato sa barangay at SK elections naghain ng COC
- Details
- Wednesday, 02 May 2018 - 4:51:47 PM
Sa 1,680 posisyon na paglalabanan ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Batangas City sa darating na May 14, 2,771 ang kabuuang bilang ng nakapaghain ng kanilang certificates of candidacy (COC).
Sa 105 barangay sa lungsod, may 209 ang naghain ng kandidatura bilang punong barangay at 1,517 naman bilang mga barangay kagawad.
May 199 kabataan ang naghain ng COC bilang SK chairmen habang 846 naman para sa SK kagawad. May 27 barangay ang mayroong isang kandidato lamang para sa pagka- Barangay Chairman habang 34 naman ang mga barangay na may iisang kandidato para sa SK chairman.
Walang kandidato sa SK chairman ang Barangay 16 habang wala namang kandidato para sa SK kagawad ang barangay Poblacion 5, 7, 16, Mahacot Silangan at San Miguel.
Sa kabuuan ay naging maayos ang sistema ng filing ng COC noong April 16-20 ayon kay Batangas City Comelec Officer Grollen Mar Liwag dahilan sa pagpapatupad nila ng queing o pagpila ng mga kandidato.
Magkakaroon ng paglagda sa peace covenant ang mga kandidato sa lungsod sa May 8 sa pangunguna ng Batangas City PNP. Sa May 4-12 ang campaign period habang sa May 9-10 naman isasagawa ang orientation para sa electoral board at board of canvassers (BOC). Ang halalan ay gaganapin mula alas otso hanggang alas singko ng hapon sa May 14. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.