- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Bumida ang 24 na asong pinoy (aspin) sa isinagawang dog fashion show sa Amphitheatre ng Plaza Mabini ngayong araw, October 18.
- Details
- Friday, 18 October 2024 - 4:51:00 PM
Nag-ala-runway models ang mga asong kalahok suot ang kanilang mga agaw-pansin at nakaaaliw na costume kasama ang kanilang mga fur parents sa naturang okasyon. Nanalo ng unang pwesto ang alaga ni Juliet Barza ng barangay Alangilan na si Carbon.
Pumangalawa ang alaga ni Princess Cipres ng barangay Dalig na si Chichay at ikatlong pwesto naman ang nakamit ng alaga ni Anabel Orencio ng barangay Población 6 na si Sharpy.
Ang lahat ng kalahok ay tumanggap ng Pedigree, reflective vest at dog lash. Nagbigay ng overview ang Chief ng Livestock Division na si Dra. Flora Shiela Lualhati hinggil sa mga programang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ukol sa Animal Rabies and Control Program. Binigyang diin niya na maaaring mapigilan ang rabies kung magiging responsable ang mga pet owners sa pamamagitan ng pagpapabakuna sa mga alagang hayop.
Katuwang ng Office of the City Veterinary ang Batangas City Rabies Rabies Control Coordinating Committee (BCRCCC) sa pagpapatupad at pagmomonitor ng lahat ng rabies prevention and control activities sa mga barangay kagaya ng registration ng aso, pagbabakuna kontra rabies, at education/information drive.
Highlight ng naturang gawain ang paggawad ng parangal sa mga barangay na nagwagi sa Search for Best Barangay in Rabies Control Program 2024. Wagi sa Rural Category ang Tabangao Dao na nakatanggap ng P 50,000 at certificate.
2nd place naman ang Haligue Silangan at 3rd place ang barangay Maapaz.
Nakamit ng barangay Poblacion 6 ang Best Barangay in Rabies Control Program 2024 sa Urban category. Sila ay tumanggap ng premyong P30,000.
Nahirang naman sa ikalawang pwesto ang barangay Poblacion 7 na nakatanggap ng P15,000 at ikatlong pwesto ang nakuha ng barangay Poblacion 2 na may cash prize na P10,000. Isa sa naging batayan sa pagpili ng mga nagwagi ay ang pagpapatupad ng pagtatali ng aso o pananatili ng aso sa loob ng bakuran upang huwag itong makagala.
Binigyan din ng pagkilala ang barangay Libjo, Alangilan at Calicanto bilang Most Active Barangays in Dog Catching at may Most Active Barangay Dog Catchers.
Nagbahagi naman ng mga best practices si Barangay Chairperson Danilo Balmes ng Halige Silangan na kanilang ginagawa upang maging huwaran at tularan ng ibang barangay ang mga programang kanilang ipinatutupad.
Nagsagawa rin ang naturang tanggapan ng pre-exposure anti-rabies vaccination sa mga pet owners at dog catchers gayundin ng pagrerehistro ng mga alagang aso upang matukoy kung sino ang mga may-ari nito. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.